Lei Patrick Atienza's POV
- A MONTH EARLIER -
*TENG*
Abala ako sa paglalaro ng Clash of Clans sa iphone ko habang nakahiga sa kama nang maantala iyon sa biglang nagtxt. Binasa ko kung sino yung mapangahas na inistorbo ako sa paglalaro.
From: Drift
Lei, punta ka sa mini house. Ngayon na! Cook some foods. Icecelebrate natin ang pagkapasok ni Ysabela sa Musicalista.
Napangiwi ako. Iba na talaga ang mga inaakto ni Drift lately nang makilala niya si Shaney lalo na nang pumayag siyang maging pretend girlfriend nito. Kitang kita ko kung pano siya nagbago. Hindi siya ganito ka showy kay Katherine noon.
Inayos ko ang sarili ko dahil bored din naman ako dito sa bahay. Nagbihis ako at sumakay sa kotse ko saka nagdrive papunta sa isang hypermarket. Bumili muna ako ng ingredients para sa lasagna na lulutuin ko. Yun kasi ang naisip kong lutuin this time. Pagkatapos ay dumiretso na din ako sa Trison. Pagkapasok ko sa mini house ay agad kong nakita sina Drift at Joven.
"Ang tagal mo! Bilisan mo, magluto ka na! Padating na sila mamaya lang." bungad sakin ni Drift pagkarating ko.
"Tss. Hindi kita maipagluto diyan e!" pananakot ko sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin pero binalewala ko na lang siya at dumiretso na ako sa kusina.
Yes. I love foods. I love cooking. Buhay ko na to. Ewan. Kasi masaya akong nakakapagluto at nakakapagpabusog ng mga taong napapakain ko. In fact, ang saya saya ko pag nagluluto ako. Discovering new dishes, sobrang adventurous ko kasing tao pero mas exciting para sakin ang pagluluto. Ang bading ba? Hindi naman masyado. Siguro nahawa lang din ako sa Mama ko na chinese. Madalas pag umuuwi siya dito sa Pinas, tinuturuan niya ako ng mga bagong putahe.
Nagsimula akong lutuin ang lasagna at ilang sandali pa'y natapos ko na iyon.
Bumalik ako sa sala at nakita doon sina Joven at Lance na nanunuod ng TV.
"Lance, pre, order ka ng pizza para may iba tayong makain," mahirap na, baka mauta sila sa lasagna ko. Kinuha naman ni Lance ang phone niya at nag dial doon. Magpapadeliver na lang siguro siya. Umupo na lang din ako sa sofa. Ilang minuto din ay may kumatok na sa pinto.
"Ako na," pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang delivery man ng greenwhich. Kinuha ko ang iniaabot niyang pizza at binayadan iyon. Kinuha ni Joven ang isang kahon at nang saktong ilalapag na namin sa table ay biglang nagbukas ang pinto at pumasok sina Shaney, Hail, Pinky at Shiver.
"You're just on time, patapos na kaming mag ayos." sabi ko sakanila at inilapag ang pizza sa table.
Nang tuluyan silang pumasok ay napukaw ang atensyon ko sa isang babae. Kay Hail.
Tumingin siya sakin at nginitian niya ako. Naramdaman ko biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Biglang naging abnormal ang beating rate ng puso ko. Ano ba tong nangyayari sakin?
Nagsimula kaming magkwentuhan habang nakatambay sa sala. Kwentuhan ng kung anu-ano pero buong atensyon ko lang ay nakay Hail na panay ang kain. Masaya din siyang nakikipagkwentuhan samin. Hindi ko alam pero tuwing ngingiti o tatawa siya bigla na lang akong napapatulala sa kanya. Whoa! Normal pa ba to?
Kilala ko na sadya si Hail pero hindi ko agad nalaman ang pangalan niya. Madalas ko lang siyang nakikitang kasama ni Shaney kaya napapansin ko na din siya pero iba ngayon. Ngayon? Masasabi kong natitipuhan ko na siya.
Crush ko na siya? May crush na ko? Ugh! Ngayon lang ako nagkaron ng crush sa tanan ng buhay ko! Oo, madami akong naging babae, naging ka-fling pero ni minsan hindi ako nagkagirlfriend. Isa pa, yung mga naging babae ko, hindi ko sila sineryoso. Ni hindi nga ako na in love sa kanila e, crush pa kaya? Kaya pano mangyayari na crush ko na si Hail? Imposible. Siguro nagagandahan lang ako sakanya. Tama, nagagandahan lang ako sakanya.
BINABASA MO ANG
She Owned Me
Teen FictionYsabela. I thought that she's just like my fangirls who are so obssessed with me. But she change everything. She changed me. Since the night she smiled, my whole world turns to something I didn't expect. And then she dared to look, so wether she lik...