Chapter 46

535 22 0
                                    

***

Zavier Yutsuko

"FUDGE!" Usal ko nang magising ako dahil sa isang tilaok ng manok. Oo manok nga, pero hindi yung tipong tilaok na pang-umaga. Yung tipong parang KINAKATAY!

'Kainis naman eh!'

Matapos ang kantahan kagabi ay dali dali akong pumasok sa tent ko at nag-emo. 'Bakit ba kasi ganun ang kinanta ko? Tsk, tange ko talaga' 

Inis kong inalis ang kumot ko. 'Panira ng tulog ang puta'

Kinuha ko ang aking bag at kumuha ng mga damit. Balita ko magpapa-activity daw pero bababa na kami ng bundok, at doon na lang ipagpapatuloy ang activities sa baba.

Lumabas na ako ng tent, at pumunta sa parang banyo namin dito, nakita ko naman na alas kwatro pa lang ng umaga. Nag-aagaw pa ang dilim at liwanag, rinig ko ang hampas ng hangin sa mga puno, at ang unti unting paggising ng mga ibon.

'Sino ba kasing alarm clock yun?'

Naligo na ako habang maaga pa, baka magka-rush na kami dito pag nakipagsabayan ako sa kanila mamaya.

Saktong paglabas ko ay nakita ko si Oxford na dala dala ang mga damit at tuwalya niya. Tinignan ko siya ng malamig. Alalang alala ko pa ang mga tingin niya sa'kin kagabi.

Mahina ko siyang inilingan at umalis na sa harapan niya. Nanlalaki namang mga mata na tinignan niya ako.. Hinawakan niya ang pala pulsuhan ko.

"B-bakit ganyan ang suot mo?!" Pagalit niyang tanong na akala mo'y may kung anong mali sa suot ko.

'Anong problema sa suot ko?!'

Piniksi ko ang kamay niya. Anong mali sa sports bra at sweat pants? Mag-aactivity kami ngayon hindi pupunta sa isang pageant.

'Alangan naman mag gown ako diba? Tsk.'

"What's wrong with you? Kahapon ka pa ah? I thought you don't want to talk to me? You don't want to see me? Because I'm a fucking SLUT! Then why are you here in front of me??" Galit kong anas na gustong gusto kong ipanamnam sa kanya ang galit ko. Diniin ko pa ang salitang SLUT.

'Kainis kang lamang lupa ka!'

Iniwan ko na siya doon at bumalik sa tent, wala na sira na ang araw ko.

'Buset!'



Nox Cantrell

NAALALA ko ang nangyari kagabi. I never knew that her voice would be that beautiful. But, every words she sang there's a pain in it.

It has lot of emotions na yung tipong madudurog ang puso mo dahil sa pagkanta niya. Ano ba kasi ang nangyari? Ngayon, alam kong galit siya sa'kin, tama nga ba ang nagawa ko?

Nailing na lang ako tumingala sa langit para pigilan sa pagtulo ang mga luha kong nagbabadya ng mahulog. Masakit, oo. Pero ito ang pinili ko diba?

Matapos kong maligo, pakiramdam ko nawalan ako ng gana na maglakad. Pero pinipilit kong gumalaw, tapos na kaming mag-agahan.

At ito siya, kalaban ng best friend ko. Ang unang activity namin ay pagkuha ng buko. Seriously? Pano kung mahulog sila diyan?

Pero sabi naman nila, pag hindi kaya mag-back out na lang at sa kabilang team ang puntos. Pantay na ang score at kakampi ko si Rica.

Kung pagbabasehan ay lamang na lamang si Zavy. Base pa lang sa posisyon niya ng pag-akyat ay aakalain mong bihasa siya sa pag-akyat ng puno.

Dumaan ang ilang minuto...

"Yes! Zavy you won!!!!"

"Panalo tayooooo!!!!"

"Zavy!"

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon