***
Third Person
ALAS kuwatro pa lang ng umaga. Hindi pa man nakakahari sa langit ang araw ay gising na gising na si Zavier. Pangalawang umaga na niya itong hindi nakatulog ng maayos dahil sa isang walanghiyang panaginip.
"Bwisit, nakaalis na nga ako sa responsibilidad ko pansamantala. At eto naman! Si Oxford ang gumugulo sa'kin ngayon!" Napahawak siya sa kanyang basang buhok at napasabunot na lang.
How could a weird dream like that ruin her suppose to be peaceful sleep?! "Mababaliw na ata siguro ako, argh!!"
-
HINDI alam ni Zavier kung bakit siya palakad-lakad sa isang park. Namalayan na lang niyang naglalakad siya doon. Wala ring katao-tao ang park which is very odd dahil ang mga lugar na kagaya nito ay may maraming tao.
"What is this place? Bat walang tao?" Napayakap siya sa kanyang sarili nang humaplos sa kanya ang malamig na simot ng hangin. Kakaiba, hindi pamilyar sa kanya ang lugar.
Ang tanging tunog na maririnig ay ang paghampas ng hangin sa mga palaruan ng park. Naglakad-lakad pa siya upang obserbahan ang buong lugar.
Ngunit.. agad niyang naramdaman ang kamay na lalapat pa lang sa kanyang balikat. Dahil sa kanyang reflexes ay agad niya itong hinawakan at ibinalibag.
"Aray!" Daing ng taong ibinalibag niya. Bakas man ang sakit sa boses nito ay hindi nagpatinag si Zavier at mas idiniin ito sa lupa. Nanatili mang walang emosyon ang mukha ni Zavuer ngunit alerto siya sa kung ano man ang mangyayari.
"Sino ka?! Anong ginagawa mo rito? Anong ginagawa ko rito?!" Galit niyang ani. Hindi pa niya nakikita ang kung sino mang lalake ngunit nang lumingon ito ay agad siyang napatigil.
Dahil napatigil siya ay hindi na niya namalayan na lumuwag ang kanyang pagkakahawak. In a one swift move nakahiga na siya sa lupa at nasa itaas niya si Nox na may ngisi sa mukha.
Biglang kinabahan si Zavier nang wala sali-salitang ibinaba nito ang kanyang mukha. Hanggang sa unti-unting lumapat ang labi nito sa kanyang labi. Ang mga marahan nitong halik ay banayad at maingat na para bang isa siyang babasaging bagay.
-
Pagkarating na pagkarating niya sa gate ay agad na sumulpot si Nox sa tabi niya dala-dala ang isang supot na may lamang milkshake. Iba ang awra nito dahil tila ba sobrang saya nito.
"Hi, Zavy!! Good morning! Milkshake for you!" Ibinigay nito ang suppt kay Zavy na hindi naman nito tinanggihan.
"Thanks."
Ngunit dumating si Eugene na may dala-dala rin. Kaparehas nito ang dala ni Nox. Napatingin naman si Eugene sa hawak ni Zavy at tumingin din ito sa dalawa.
Ngumiti ito ng malungkot at umalis. Hahabulin pa sana ito ni Zavy ngunit hinawakan siya ni Nox at inilingan.
-
HINDI matanggal-tanggal ang ngisi sa mga abi ni Nox simula nang gumising siya. Bakas na bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan, tinanong siya ng MOm niya kung ano ang nangyari, but he only smiled at them and went to school.
ANo nga ba ang nangyari? Nox can't help but to smile while driving. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang panaginip.
"KUng ganoon naman palagi ang ppanaginip ko ay ayaw ko ng magising." He parked his car where he used to. Habang naglalakad ay kinuha nya ang phone niya and nag-scroll sa social media.
Madami pa naman siyang oras dahil maaga siyang nakarating.
Then a post of someone got his eyes. "A new milkshake shop?" Tanong niya sa sarili. Naalala niya agad si Zavier at ang ppanaginipp niya.
BINABASA MO ANG
She's My Boyish Girl
Teen FictionZavier Yutsuko a girl, no scratch that a boyish girl. Having a simple life is her dream, just goofing around have fun, entering a boys fight, that's her. Until the day has come that she need to transfer, but everything changed. As she stepped into h...