***
Third Person
ISANG madilim na kwarto ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang pinto. It was only lit up by the computers open. May mga armas ring maayos na nakasalansan sa tatlong mesang magkakatabi.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa taong nakaupo sa itim na couch na may lamesang babasagin sa gitna nito. May hawak itong wine glass na malapit ng maubos ang laman.
Nakayuko ito ngunit ramdam niya ang kakaibang awrang pinaparamdam nito sa tuwing pupunta ito sa taguan nila. "What brings you here?" Napalunok siya. Ibang iba nga ang ipinapakita nito sa labas at sa loob ng quarters nila.
"J-jonas is dead." Napaangat ito nang tingin. Natigil naman siya sa kinatatayuan niya. Halos manuyo ang kanyang lalamunan sa mga tingin nito. Ibang iba ito sa masayahing tao at maaalahanin na kaibigan na pinapakita nito sa tuwing kasama nito ang kanyang mga 'kaibigan'.
"He's dead?" Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang nalulukot ang kanyang dila at hindi siya makapagsalita ng tuwid. Tumango siya at kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa
"L-look," ipinakita niya ang nakuha niyang larawan sa bahay ni Jonas sa kausap, "it says "Akuma's warning". Should we--"
"Argh!!" Ibinato nito ng walang pag-aalinlangan ang hawak nitong mamahaling baso sa pader. Napayuko agad siya upang hindi makita ang nakakatakot nitong mga tingin. "Magbabayad siya sa ginawa niya sa'min! Sisiguraduhin kong luluhod ka sa harapan ko, Zavier!"
-
INIS niyang pinalo ang manibela. Naputol ang tawag nina Marcel. Hindi man lang nito nasabi kung nasaan sila. Zavier is sure na may maduming nangyaring naganap. Agad niyang kinalikot ang kanyang cellphone at hinanap sa mga contacts ang isa sa mga pinakamagaling niyang tracker.
Agad naman nitong sinagot si Zavier. "Yes, Queen?"
"Find, Marcel NOW!" Nagsimula siyang paandarin ulit ang makina.
"Yes, Queen." Walang pag-aalinlangan nitong sagot. Hindi nito pinutol ang tawag at narinig pa ni Zavier ang bawat pagtipa nito sa keyboard.
Ilang minuto lang ay may lumabas na location na naka-text sa cellphone ni Zavier kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at pinaharurot ang kanyang kotse.
-
IPINARK ni Zavier ang kanyang kotse malayo sa mismong warehouse na kinaroroonan ni Marcel at ng iba pa niyang tauhan. Kinuha niya ang kanyang mga kakilanganing mga armas. Dinala niya rin ang kanyang Katana na ginagamit niya sa Mafia.
Hindi na siya nagsayang pa ng panahon at tahimik na pinasok ang lugar. Wala siyang planong dumaan sa harap kaya lumiko siya at tinahak ang daan patungo sa likod. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay agad niyang nakita ang dalawang lalake.
Agad siyang nagtago sa isang lumang sasakyan at napahinga ng malalim at sinikap na hindi makagawa ng kung anong ingay. May mga dala itong armalite at ang isa ay may hinihipang pang sigarilyo.
"Nakakabagot na, Pare. Dadating pa ba siya?" Halatang yamot na yamot na ito dahil sa ilang oras siyang pinagbabantay ng bossing nila. Nanatili namang nakaupo si Zavier at iniisip kung ano ang gagawin niya.
Lumangitngit naman ang ilang parte ng sasakyang kinakalawang nang dumaan ang hangin. May naisip na paraan si Zavier upang tanggalin ang sagabal kaya kinuha niya ang kanyang baril at nilagyan ito ng silencer sa muzzle nito.
She aimed it perfectly sa lalakeng nasa kanan. Natamaan naman ito sa noo at agad na natumba. The other guy was shocked, hindi pa man siya nakakabawi ay siya ang isinunod ni Zavier.
Zavier's devilish smile appeared as he watch the bodies fall unto the ground. Naglakad siya papalapit sa dalawang bangkay at walang pasabing hinila ito. Maingat niya itong inilagay sa pinagtaguan niya kanina at tinakoan ito ng mga tuyong dahon.
Dahil wala ng sagabal ay malaya siyang nakapasok sa loob habang hawak-hawak niya ang kaniyang katana. Mukhang nasa iisang lokasyon lamang ang karamihan sapagkat wala siyang masyadong nadadaanang mga tao.
Meron din namang ngilan-ngilan na sumusugod sa kaniya ngunit sa bawat paggalaw ng kaniyang ay isang buhay na nasawi. Walang patawad ang pagkitik niya sa buhay na madadaanan niya.
Hangga't alam niyang kalaban ito ay hindi niya ito kinaaawaan kahit na nagmakaawa pa ito sa harap niya. Lubos na galit ang umaapaw sa kaniya ngayon. Kitang kita mismo sa mukha niyang walang ekspresyon at ang mga matang nag-aalab sa galit kung gaano siya kagalit sa nangyari.
No one has dared on picking a fight with her for years. At ngayon, may naglakas loob na bugbugin ang tauhan niya't itago sa isabg masang-sang na bodega? Hindi na niya mapigilan ang kamay niyang nangangati upang patayin ang kung sino mang basa likod nito.
Nasa harap na niya ang sa tingin niyang pinaglagyan nina Marcel. Sinigurado niyang wala ng tauhan pang natira sa labas para walang sagabal sa kanya. Hindi na niya pinansin pa ang mga dugong nagkalat sa kanyang kasuotan at sinilip na lamang ang bahagyanv nakaawang na pinto.
Kitang-kita niya mismo kung paano pinagtitripan ng ilan sa mga kalaban ang mga tauhan niya. Hindi niya mapigilang magngit-ngit ang ngipin sa nasilayan.
"Damn you all," she cursed and kicked the door open revealing who's inside. Gulantang naman ang nasa loob nang bigla na lamang bumukas ang pinto. Nang makita nila ang ayos nitonay agad na silang ginapang ng kaba.
'I-ito na yata ang katapusan ko' Isip ng pinuno ng grupong kumuha sa grupo ni Marcel habang pinapakiramdaman ang balingkinitang babaenv nababalot ng dugo.
Napaangat ng tingin si Marcel, dahan dahan niya itong ginawa dahil sa pagod at sakit na natamo niya dahil sa bugbog. Puno rin ng pasa ang kanyang mukha at may bahid pa ng dugo ang kanyang kilay at putok na labi.
"Q-queen," munting bulong ni Marcel nang makita ang dalaga. Sa madugong porma nito ay agad na niyang nahinuha ang nangyari sa labas. Knowing Zavier who's with him in the underground for three years, wala itong ititirang buhay.
Napatingin si Zavier sa gawi niya. Kumunot ang noo nito and even tilted her head in amusement.
"You owe me one." Masungit na anito. Tila ba parang narinig ni Zavier ang munting bulong na iyon at napatingin si Zavier kay Marcel. Ngunit napangiti na lamang si Marcel. This is the Zavier that he likes.
Binalingan naman ni Zavier ang mga kalabang natira sa loob, unti unti niyang itinaas ang katana niya at dahan dahang sinimulan itong iwasiwas sa ere.
Her devilish smile didn't left her face.
"May you not rest in peace."
***
Thanks for reading 🖤
PRES.
BINABASA MO ANG
She's My Boyish Girl
Teen FictionZavier Yutsuko a girl, no scratch that a boyish girl. Having a simple life is her dream, just goofing around have fun, entering a boys fight, that's her. Until the day has come that she need to transfer, but everything changed. As she stepped into h...