Chapter 38

569 31 3
                                    


***

Third Person

BATA pa lang si Eugene nang naramdaman niya ang isang kakaibang bagay na sumisibol sa kaloob-looban niya. Nagsimula ito nang iligtas siya nang isang magandang brusko na batang babae mula sa mga gustong kumidnap sa kanya.

Flashback...

Masayang naglalakad si Eugene sa kahabaan ng kalye ng Japan.

Masaya siya kasi nakakuha siya ng mataas na marka sa pagsusulit. Sanay na siyang maglakad pag-uwi kasi ilang minutong lakaran lang naman ay mararating na ang kanilang bahay.

Kilala rin ang kanyang pamilya dahil sa mga negosyo nito. In short mayaman. Patalon-talon pa siya na naglakakad akala mo'y nanalo sa lotto. Ngunit sa 'di kalayuan ay may isang puting van na lulan ang mga taong gustong manakit sa batang si Eugene.

Biglang napatigil si Eugene nang harangan siya ng mga ito. Nanginig agad ang tuhod niya dahil sa labis na takot na nararamdaman. Alam niyang may masamang balak sa kanya ang mga taong lumabas mula sa van.

'Please, someone help me!'

Panalangin ni Eugene sa isip, dahil hindi na niya halos maibuka ang bibig dahil sa pangangatal. Natuod siya sa kanyang kinatatayuan, at hindi malaman kung aalis ba siya, tatawag ng pulis o ano.

Gulong gulo na ang isip niya. Sa edad na pitong taong gulang, makakapag-isip pa ba siya ng maayos? Lalo pa't laking mayaman ay hindi siya marunong tumayo para sa sarili at naka-depende lang sa mga magulang.  Tanging talino lamang ang mayroon siya.

Lumakad papalapit sa kanya ang mga ito. Wala itong mga suot na mask hindi kagaya sa mga pelikula. Kaya agad niyang nalaman na nakakaintindi ng tagalog o english ang mga ito dahil mukha pa lang ay parte na ng sanggano organization ng kalye ng Pilipinas ang mga mukha nila.

"D-don't c-come n-near m-me!" Dahan dahan siyang umatras. Itinakip niya sa kanyang harapan ang kanyang mumunting bag na tanging panlaban niya. Ginawa niya itong pananggalang, kahit alam niyang wala itong saysay.

"Hahahaha! Bata! Mabuti na lang at nasa Japan ang target namin! Naka-bakasyon tuloy kami dito! Ang ganda nga eh!" Nakangising sabi nung balbas saradong maskuladong lalake.

"W-what d-do y-you w-want?!" Pilit niyang pinapatapang ang sarili, dahil alam niyang walang tutulong sa kanya nang mga panahong iyon. Nawawalan na siya ng pag-asa dahil walang katao tao ang lugar.

Imbis na sagutin ang tanong niya ay bigla siyang dinampot ng mga ito, binuksan ang van at pilit na ipinapasok siya.

"Leave me alone! I'll call the cops if you don't stop! Get off me!" Patuloy na nagpupumiglas siya. Kinuha ng isa sa mga goons ang kaniyang kutsilyo at ipinakita ito sa kanya.

'Lord, am I going to die?'

Nawawalang pag-asa na saad niya sa isipan.

"Aaaa~ raaa~ yyyy~" sigaw niya na tumutulo pa ang luha dahil bigla na lamang siyang sinugatan ng mga walang hiya sa kanyang braso.

Impit na umiiyak siya dahil nilagyan na ng mga ito ng busal ang kanyang bibig. Wala na talaga siyang pag-asa. Walang CCTV sa lugar, wala ring tao, walang makakaalam na nakuha siya. At kung meron mang napadaan, matatakot ang mga iyon at hindi siya matutulungan.

Akmang isasarado na ang pinto ng van pero biglang may sumigaw.

"Hey! Leave him alone!" Sobrang bilis ng lahat. Ang namalayan na lang ni Eugene ay nakatarak na sa dibdib ng taong gusto na sanang isarado ang pinto ang isang katana.

Kinuha iyon ng bata sa sobrang mabilis na paraan.

"Dito ka lang!" Matigas na utos nung taong balbas sarado.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon