Chapter 63

378 12 0
                                    

Sorry pala guys dahil medyo nawala ako sa wattpadgalaxy nitong mga araw, but medyo busy lang. Kaya eto bumabaw ako, heheheh salamat sa paghihintay!

***

Nox Cantrell

"Hello?" tawag ko kasi baka may nangti trip lang pala sa akin na papunahin ako dito. I took a step forward and roamed my eyes. Ano ba ang gagawin ko sa walang taong gym? Inis na napapadyak ako.

Talagang na prank ako ng mga yun ah! Tatalikod na sana ako nang biglang umilaw ang stage at may white board doon. Ano yan? Para saan yan? Sino ang nag o operate niyan?

Biglang may lumabas na mga tao doon sa screen ng projector. Naningkit ang mga mata ko. Kainis naman may pabitin pa. Speaking of pabitin sayang naman February 14 ngayon pero hindi ako ginreet ni Zavy ng Happy Valentines.

Yun pa kaya? Eh mas tamad pa yun kay Juan Tamad sa mga ganyang bagay. After nung nangyari sa bahay nila hanggang sa mall, she left. Hindi siya tumawag or nag trxt man lang. Kainis nga eh. Papaano kunh mapano siya? Ano? Hindi ko malalaman?

Mabuti pa yung ibang tao, they greetedme yung iba nga saktong saktong twelve midnight natanggap ko na ang mga greeing nila. Si Zavy? Ayun halos isang buwang hindi nagparamdam.

Nang makita ko ng maigi ang mukha ay napagtanto kong si Zavy pala yun. Siya ay nakasandal sa isang puno, mukhang nasa garden niya siya. "Oh Zavier?" tawag ng isang tao, at mukhang lalake pa. Sino naman kaya yun?

Mas lumapit ako sa stage para kitang kita ko ang mga nangyayari. Napamulat ng mata si Zavy at saglit na tinignan ang lalakeng nakatalikod at binalik ulit ang pagkasara ng mata. "Why?" walang emosyong tanong niya.

"D-do you l-like.. N-ox?" nauutal na tanong nito. Aba, anong karapatan niyang tanungin si Zavy niyan? Ang kapal ng mukha pero, bigla akong kinabahan. Baka kung ano ang isagot niya, baka.. Baka hindi niya pala ako gusto.

Paano na ako? Pinagmasdan ko ng maigi ang reaksiyon niya, nawalan ng emosyon ang mukha niya at lumamig ito. Minulat niya ang kaniyang mga mata at deretsong nakatingin sa nagtanong.

Bakit ganyan? Bakit ganyan ang reaksiyon niya?! Nag expect lang ba ako, nasobrahan ba ang pag aasume ko? Hinang hina na napaatras ako at nagsimula nang tumulo ang luha ko.

Parang nilalamukos ang puso ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko, bumigat ang paghinga ko at walang tigil sa ag agos ang mga luha ko. "No," sagot niya na mas naka palala ng nararamdaman ko.

So umasa ako sa.. Wala? Pinaasa niya lang ako? Nagmahal ako sa taong, hindi naman pala ako gusto? So ano yung pinapakita niya? Pagpapaasa lang? Tangina ang sakit naman, napaupo ako sa sahig.

Pinatong ko ang akin dalawang siko sa aking tuhod at sinandal sa aking mga braso ang aking ulo. H-hindi niya ako gusto, wala siyang gusto sa akin. Ang sakit, ang sakit! Sakit!

"Oxford," tawag ni Zavy sa akin na alam kong nandito sa loob ng gym. So plano niya to lahat? Ang saktan ako mismo sa araw ng mga puso? "I'm sorry," mahinang saad niya, no no no.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon