Chapter 89

350 15 4
                                    

***

Third Person

One year later...

Nagising si Nox dahil sa ingay ng kanyang cellphone na siyang nagsisilbi niyang alarm clock. Binuksan niya ang kanyang mga mata at tanging ang puting kisame ang kanyang nakikita.

Pinunasan niya ang kanyang mata, at inabot ang cellphone sa kanyang gilid. Nang tignan niya ang petsa ay may naalala siya. This is the day na may meeting siya.

Sino nga bang tao ang nagpaplano ng meeting ng ganun ka advance? Walang nakakaalam. But matapos niyang matanggap ang sulat ay walang date na nakalagay, pero last week ay natanggap na niya ang part two nito, at doon sinabi ang date, time at place ng meeting.

Wala siyang balak pumunta, sino nga naman ang pupunta diba? Lalo na't anonymous ang palaging nagpapadala ng sulat.

It's been a year since he received that letter and it's been five years, na nawala si Zavier sa kanila.

Everyday in life, Nox has been mourning for her. Blaming himself for what happened, siguro kung hindi niya ginawa yon ay buhay pa ang sinisinta niya.

Lumayo na rin siya sa mga kaibigan niya, dahil hindi siya pinapatahimik ng kanyang konsensya dahil sa nangyari. It was all his mistake, that leads them to broke apart.

Pero napatulala siya sa kawalan, at tanging katahimikan ang namayani sa buong silid. Wala siyang ibang plano kung hindi ang humiga at matulog, tapos kakain...

Ngunit hindi maipagkakailang may kung anong nagtutulak sa kanya para pumunta roon.

"Tsk, fine! I'll go! Wala naman akong gagawin eh!" Dabog na aniya at derederetsong pumunta sa banyo.

Binilisan niya ang pagligo. Mabuti nang may gawin siya ngayon, ipapalinis na niya lang ang kanyang kwarto.

Nox Cantrell

Bumaba na ako at nadatnan ko roon silang lahat na kumakain. Napaangat ng tingin si Mom at kumaway.

"Anak! Come here! Join us!" Aya niya na tinanguan ko at tinahak ang aking upuan.

Tahimik kong kinuha ang ulam at kanin, at walang imik na kumain habang nakikinig sa kanila. This is my daily routine now, kapag kasama ko sila kakain. Well, they understand my situation.

"Kuya? Pupuntahan mo po yung sinabing lugar sa letter?" napaangat ako ng tingin at nilunok ang aking kinakain.

"Yes," maikling sagot ko at mabilis na inubos ang aking pagkain.

-

"Bye, anak!" tumango lang ako kay Mom habang siya ay kumakaway sa akin. Isinara ko na ang pinto ng kotse at sinimulan ang makina.

Tsk, why am I even coming there? Curiousity? Tsk, never mind. Siguro mabuti na ring may pagkaabalahan ako, hindi yung nagmumukmok ako sa loob ng kwarto ko.

-

Rinig na rinig ang ingay sa kung saan man ako ngayon. Malapit sa ZY Airport, ay may kilalang restaurant na dinudumog ng mga tao. I wonder if bakit nandito pa rin ang ZY, their owner has fallen.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon