Chapter 29

793 43 13
                                    


***

Zavier Yutsuko

NAPABUNTONG-HININGA na lang ako habang binabaybay namin ang kahabaan daan. Sa lahat pa ng pagkakataon bat ngayon pa, bakit ngayon pa na gulong gulo ako.

Tanging tunog lamang ng makinarya ng sasakyan ang namamayani saming dalawa. Gusto ko na siyang kausapin ng masinsinan dahil sa mga ginagawa niya, but ewan nakakahiya. Pasimple niya naman akong tinitignan ngunit hindi ko na inabala pa ang sarili na pansinin pa siya.

Lumipas ang ilang minuto at tila ba hinihele ako kaya hindi ko maiwasang pumikit at magpadala sa dilim.

-

RAMDAM ko ang marahang tapik sa aking pisnge so I decided to open my eyes. Bumungad kaagad sa akin ang mukha niyang parang pinaglaanan talaga ng panahon ng Diyos noong ginagawa niya ito.

"We're here, dinala lang kita sa isang mall. Pasensya na, ito lang yung naisip ko--" Naputol siya sa pagsasalita nang lingunin ko ang establishimyentong nasa harapan namin, and a grin escaped from my lips.

Sa mall nga ako dinala. SA MALL KO. Kagaling. The lavender, sky blue and grey themed mall with three floors. May malaking Logo ito sa gitna na ZY Mall. What a coincidence, ganito na rin ala kalago ang mall na to rito sa Pinas.

Tumawa ako. "Wow--" sasabihin ko sanang Mall ko to pero wag na lang pala baka magmukha pa akong mayabang sa paningin niya. Wait, why do I even care?! Akmang tatanggalin ko ang aking seatbelt when he's moving closer to me.

Anong ginagawa niya?

"Dre, close tayo?" Nilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya upang patigilin siya. I don't even know what's happening, namalayan ko na lang na muntik na akong magpadala sa galawan niya!Napa-iling nalang siya at bumaba na ng kotse.

"Ako na." Bubuksan ko na sana iyon nang maunahan niya ako.

"Salamat," I said to him as I got out of my car. Sinara niya naman iyon at nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa mall. Hindi ko mapigilang humanga sa building na nasa harap ko.

This mall is filled with elegance, and a touch of my own style. Isa ako sa mga nag-design ng mall na to, and I made sure that ZY Mall will be one if a kind.

"Ngayon ka lang ba nakapunta rito?" Napalingon ako sa kanya. Psh, kung alam mo lang, mas una kong nakita ang skeleton ng building na to kaysa sa paggala mo rito.

"Yeah," maikli kong tugon. Napatango-tango naman siya at hinawakan ang braso ko at maingat akong hinila papunta sa elevator. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya kahit alam kong pinagtitinginan na kami ng halos lahat ng naroroon.

Of course agaw pansin tong kasama ko, the next heir of Cantrell Industries. Napatingin ako sa pangalan ng isang Filipino Restaurant na pinuntahan namin. The interior is very authentic.

From the bahay kubo themed counter to bamboo chairs and tables to their wood looking floor. Lakas maka pinoy.

"Masarap dito, swear. I assure you you'll enjoy eating here."

"Talaga ba?" I chuckled. Tumango-tango naman si Oxford bilang pag-sang-ayon sa sinabi ko. He even did it na para bang isa siyang maliit na bata. Nag-order na siya habang ako naman ay namili ng mauupuan.

Wala masyadong tao, at iilan lamang narito kaya napili ko ang pwestong malapit sa glass wall ng mall. Umupo ako sa uppuan nilang parang sofa at pinanood ang bawat pagdaan ng mga tao sa harap ko.

-

HABANG kumakain kami ay pansin ko ang paraan niya sa pagkain. Sa paningin ko ay para siyang hindi pinakain ng isang linggo. Tho he looks cute, para siyang maliit na bata sa harapan ko. Pasimple ko siyang tinignan at kinuhanan ng letrato.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon