Chapter 74

324 17 0
                                    

Vote! Comment! And follow me!

***

Third Person

"J-jiro.." nanginginig na sambit ni Zavy, para silang tinakasan ng kanilang kaluluwa nang marinig ang tinig nfito. Ang matapang na awra ni Zavy ay nawala sa isang iglap at hindi pa ito makatayo ng matuwid.

Rinig na rinig nila ang kanilang tibok ng puso na halos ikinabingi nila. Sa isang salitang 'yun, halos durugin ang kanilang mga puso sa lungkot at sakit na dulot nito. Ang matapang na mata ng isang Zavier Yutsuko ay nawala.

Napalitan ito ng hinanakit at hinagpis. "No, Ri," mahinang bulong ni Nox, at walang sinoman ang nakarinig dun. Nagsimula ng magtaas-baba ang balikat ni Zavy, ang kanyang maliit na iyak ay unti-unting lumaki at nauwu sa hagulhol.

Lumapit sila sa kinaroroonan nila at kitang kita ni Nox ang mata ng nobya na walang ibang emosyon na pinapakita kung hindi ay lungkot. Nanginginig ito at umagos na parang gripo ang malalaking butil ng ma luha nito.

One by one, his heart is shattered into pieces. Something blocked his throat and he feels like there's a thousand of thorns pricked his heart.. The agony she feels, enveloped the four corners of the room.

Parang pinasa at pinramdam niya sa lahat ang sakit na nararamdaman. Everyone knows how strong she is how mighty she stand and how she overcome the huge waves of life. How she stood on her knees to withstand the cruelty of people.

That's how the world knew about her. But the woman inside the room opposes that ideas. The woman inside the room is like a wilted plant, a shattered glass a vulnerable person who's afraid to stand up again after she falls.

"J-jiro," tawag na naman niya sa bangkay na nasa kanyang harapan paulit-ulit niya itong tinawag, umaasang.. Umaasang kalokohan lang ang lahat.


Zavier Yutsuko

Kitang kita ko ang maputlang balat ni Jiro at ang nangingitim nitong labi habang matuwid na nakahiga. Rinig na rinig ko ang iyak ni Tita at ng mga kamag-anak niya, pero wala pang mas lalakas sa sigaw ng puso ko.

As I saw his closed eyes, parang pinupunit ng dahan dahan ang puso ko. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng dibdib ko. Bakit naging ganito? Anong kasalan niya bakit siya pa?! B-bakit si Jiro pa?

Nabingi ako sa mundo at ang tanging atensyon ko ay natuon sa kaibigan kong nakaratay. "B-bakit?" hagulhol ko at napaluhod sa aking kinatatayuan. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay at doon ay napahagulhol.

Bumalik ang mga alaala ko sa aking panaginip. Kung paano kami sumugod doon hanggang sa pagsalo at ang pagkawala ng buhay ng kaibigan ko. Rinig na rinig ko ang mga hagulhol nila pero bakit pakiramdam ko walang tatalo sa sakit na nararamdaman ko?

Bakit sa lahat ng tao, bakit pa ang taong tumanggap sa akin sa kabila ng mga kasalanan ko?! Kailan ba talaga ako sasaya sa mundong 'to?! Dahil sa ba sa mga nagawa ko kaya wala na ba talaga akong karapatang sumaya?!

Bakit ba ang ibang tao sayang saya sa buhay nila? Pero bakit ang iba naman ay halos ilubog na ng kalungkutan sa hukay nila? Bakit, pag gusto ng taong sumaya, sakit ang ibibigay sa kanila?

Walang ibang ginawa kung hindi sa Jiro, kung hindi ang maging mabait na anak, tao, at kaibigan. Pero bakit pati siya dinamay?! Lagi na lang ba talagang ganito?! Sawang sawa na ako sa buhay ko!!

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon