Chapter 21

927 40 4
                                    

***

Third Person

IYAK at hiyaw ni Dev, ang kumuha sa atensyon nang lahat. Sunod sunod na apak ang pumunta sa gawi nila, ang iba ay naki-usyuso at ang iba naman ay agad na nagtawag ng security at medic.

Sunod sunod namang nagdatingan ang tatlong malalaking itim na van sa harapan mismo ng pamamahay ni Taigen Yutsuko. Ngunit hindu na nila ito pinansin pa sapagkat, narinig nila ang takot na sigaw ng kanilang bunso.

"A-ate! A-ate! D-dwont close your eyes p-please!" Pakiusap ni Dev sa kapatud na si Zavier. May umagos na dugo mula sa balikat nito, at unti unti ring tumitiklop ang mga mata nito.

"Zavier! Anak!!" Nahintatakutang sigaw ni Aya Yutsuko, na Ina ni Zavier. Agad nilapitan ng Daddy at Mommy niya si Zavier kasama ang kapatid na si Zach. Kumalat naman sa buong lugar ang mga taong lumabas mula sa van.

Ang iba ay nagtataka kung saan nanggaling ang mga ito at tila ba binabantayan nito ang isang tao. Ramdam ng lahat ang bigat ng atmospera lalo na nang dumating ang mga taong iyon.

"Phoenix! Let's take her to the hospital!" Walang pag-aalinlangang tumango si Pheonix. Lumapit siya sa kinalalagyan ng Akuma at walang sali-salitang kinarga si Zavier at inilagay sa stretcher na dala ng mga naka van.

Agad na rumisponde ang mga Van na ito ilang minuto bago mabaril si Zavy. Huli na ang lahat nang dumating sila matapos malaman na may papatay sa Akuma sa gabing iyon.

Mabuti na lamang at mag nakahandang medic palagi ang mga tauhan ni Zavier. Hindi na nila pinansin pa ang pamilya ng kanilang boss at isinugod ito sa pinakamalapit na hospital.

Samantala, akap akap ni Taigen Yutsuko ang kanyang bunso at asawa. Hindi ito matigil sa pag-iyak lalo pa't kinuha na lamang basta basta si Zavy. Hindi nila alam kung paano nangyari iyon ngunit hindi sila mapakali lalo na't nasa panganib ang kanilang anak.

Pinaalis ng mga tao sa van ang mga umusyuso at nilinis ang pinangyarihan sa barilan. Lumapit ang isa sa mga ito sa Daddy ni Zavier.

"She's at Dominique's Hospital, you can follow them there," sabi nito. Ito na lamang ang pinagsabihan ng tauhan ni Zavier dahil wala pa sa wisyo ang ina nito. Tumango si Taigen.

"Thank you for coming," anito at mabilis na pinapasok ang lahat upang sumakay sa kanilang sasakyan at masundan si Zavy.

-

HINDI mapakali ang tauhang nakabantay sa labas ng operating room. Alam nilang pag may nangyaring hindi maganda sa Akuma ay mapaparusahan sila, bukod pa roon ay tunay silang nag-aalala para sa boss.

"How is she doing?" Nag-aalalang ani ng isa sa konseho ni Zavier habang nasa kabilang linya si Pheonix. Parang nawalan ng lakas si Pheonix sa nangyari, hindi niya inakalang mapapabayaan niya nang ganon ganon lang si Zavy.

He's not just her underling, but he's her friend. He felt the unending disappointment and frustration within him. Hindi man lang niya na protektahan ang kaisa-isang taong nagpahalaga sa kanya. Bumuntong hininga si Pheonix.

"She's still inside the operating room, we're waiting for the doctors to come out," aniya.

"Okay, let us know if they're done with the operation." The call ended, but never his frustration. Napa-upo na lamang siya sa gilid habang nakasandal ang kanyang likod sa pader at yumuko.

"Whoever did this will pay, Zavy. We'll make sure of that."

-

RAMDAM niya ang konting bigat sa kanyang dalawang kamay na para bang may nakapatong doon. Unti unti niyang minulat ang kanyang mata at hinayaang mag-adjust ito sa ilaw.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon