***
Masakit man ang mga tama ko ay sinikap kong maging malakas. Dahil dito naman talaga ako lumalakas, wala ako ngayon dito kung hindi ako nasaktan noon. Nagsimula nang sumugod sa akin ang natirang tauhan na nadito.
Tantiya ko, mga bente ata sila. Nagsimula na akong magputol ng ulo at kung ano ano pang bagay na mapuputol ko sa mga gagong to. At halos isumpa ko na ang sarili ko nang makita ang takot na itsura ni Jiro habang nanonood.
Biglang nilukob ng guilt ang katawan ko. He isn't supposed to be in that situation. "Argh!" untad ko nang hiwain ko sa leeg ang sumugod sa akin, napapikit pa ako nang sumirit sa mukha ko ang kanyang dugo. Agad ko iyong pinunasan.
Mabilis na tumakbo ang minuto at segundo at naubos ko na ang lahat ng mga pawns nila. Hinihingal na napaluhod ako gamit ang aking isang tuhod at ginawang suporta ang aking katana.
Tumatagaktak na ang pawis ko at dugo. May ilan ilan rin akong tama, hindi naman ako power rangers na hindi masugat sugatan ano. Tumungo ako at inipon ang aking lakas. At inangat ang aking tingin.
"There's only three of you left, and it includes you, you ugly asshole. Aren't you going to kneel down and beg for your life?" malokong tanong ko na may ngisi sa labi. Tignan natin kung hanggang saan ang tibay niyo loko ka.
"Hahahaha!!" malakas niyang halakhak kaya automatikong napataas ang kilay ko. Mabuti naman at nagagawa niya pang tumawa ano? "Kami?" sarkastiko niyang saad at sumulyap pa sa mga alipores niya.
"Luluhod sa isang demonyitang kagaya mo?" sarkastiko niyang sabi kaya mas napangisi ako. Dapat lang na lumuhod kayo, lalo na't ang laki ng kasalanan niyo sa'kin! "Why not? Or should I say. You should," tukso ko.
Tignan natin kung hanggang saan ang talas ng dila mo, hayop ka. "Asa!" inis niyang sigaw at malokong tinignan si Jiro, hinablot niya ang buhok nito. Kanina pa ako kating kati na putulan ka ng ulo.
Napaabante ako. "Hep! Hep! Diyan ka lang!" tigil niya sa'kin. "Kung hindi tutuluyan ko ang kaibigan mo!" banta niya na nakatutok sa ulo ni Jiro ang baril niya. Peste talaga. Pesteeeeee!!!!
"Ang kapal din naman ng bungo mo no? I've killed most of your mens, and now I'm going to kill you. And still.. You're not afraid? Nakahithit ka ba ha?!" naiinis kong saad. No one had ever been this to me. Kapal ng kalyo sa mukha.
"Paano kung oo, Zavier? Masisisi mo ba ako? Masisisi mo ba ako na minahal kita pero hindi mo naman ako napapansin? Droga ang naging kasangga ko habang pinagmamasdan kita!!" galit niyang sigaw sa akin.
I-I never expected this! "Isa ako sa mga nagpapapansin sayo! Pero wala! Dinaig pa kami ng multo sa paningin mo! Halos sambahin kita, tangina. I've bedded so many girls. Pero ikaw lang at ikaw ang naiisip ko! Hindi ko nga alam kung bakit ikaw pa eh! Eh para ka namang lalake! Pucha, ang lakas ng tama ko sayo!" naluluha niyang sigaw at pinunasan ang mga ito.
"Nalulong ako sa droga dahil sa sakit na nararamdaman ko! Kasi akala ko, wala talagang makakasungkit sayo! Sabi ko sa sarili ko, sige ang dami pala natin. Quits pala tayong lahat, hindi tayo magagawang mahalin ng isang Zavier Yutsuko! Pero fuck! Si Cantrell lang pala ang makakakuha sayo?! Ang bobong Cantrell na iyon?! Nakakagago!"
Hindi ako makagalaw at nawala sa ayos ang isip ko. Ganun na ba talaga ako ka astig para mahalin ng lahat? Tsk! Tsk! Akala ng iba blessing ang pagiging maganda, minsan hindi rin eh, nakaka hassle.
Napa irap ako at napasinghal. "So what do you want me to do? To love you the way you love me?" sarkastiko kong tanong na nakangisi. Aba, ang swerte niya ano? "Are you crazy? Iisa at iisa lang ang nilalaman ng puso ko! And that is my Oxford! And look at yourself! Do you think? I will love such person like you? Asa!" pang iinsulto ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's My Boyish Girl
किशोर उपन्यासZavier Yutsuko a girl, no scratch that a boyish girl. Having a simple life is her dream, just goofing around have fun, entering a boys fight, that's her. Until the day has come that she need to transfer, but everything changed. As she stepped into h...