***
Zavier Yutsuko
Habang hila hila ako ni Kae ay sabay nun ang paglibot ng aking paningin sa buong paligid, umaasa ako na sana, sana mahanap ko si Nox. Kahit mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Kae ay binalewala ko ito. Where's Nox?
"Let's go Zavy!" nagpatianod na ako sa hawak niya habanh lumilipad ang aking isip.
Nox, alam kong stupid ka pero sana naman. Maisip mo ang kalagayan ngayon, bakit ba kasi siya humiwalay? Ah right, he's father. Pero, makikita at makikita rin naman namin ang tatay niya! I will surely help him!
Pero ito, nawawala na naman ang mokong.
Binuksan ni Kae ang isa sa mga room, agad na pumasok sabay ko at dali daling ni-lock ito. Tulala pa akong nakatingin sa kawalan, habang sila ay busy sa pag-ba-block ng pinto, baka sakaling may makapasok na kalaban.
"Zavy! You're bleeding!" huh? Agad akong napatingin sa aking KANANG balikat. What the 박? Noon sa kaliwa, ngayon naman sa kanan? Baka matanggalan na ako ng balikat nito.
Mabilis na napahawak ako roon nang maramdaman ang kirot. Ah peste, ang sakit! Napasandal ako sa malapit na dingding at napapikit. Damang dama ko na ang sakit na nakalimutan ko kanina. Kagat labing tinignan ko ito.
Mukhang madaming dugo na ang nawala sa akin. Not now, I shouldn't be weak right now. Maraming buhay ang umaasa sa tulong ngayon, at alam kong umaasa si Nox na I'll save his ass.
Sabay silang lumapit sa akin. "Zavy! We need to bring you to the hospital!" napa-angat ako ng tingin, at biglang nanlaki ang aking mga mata.
"Jiro?! What are you doing here?!"
Nox Cantrell
Sobrang dami ng estudyante dito, punong puno ang floor ng buong gym. At katabi ko naman si Dad na halata ang pagod sa mukha. Bawa isa sa amin ay may tali sa kamay, at napapalibutan kami ng mga taong may hawak na malalaking baril, at halata ang kasamaan sa mukha pa lang na mukhang isinumpa.
Ang naalala ko lang kanina ay bigla na lang nawala sa paningin ko si Zavy. Naku patay, isang truck na naman ng sermon ang matatanggap ko. Pati isang batalyong batok mula sa kanila. Pero, ano magagawa ko? I need to find my Dad! Nag-aalala ako sa Daddy, baka kung ano ang mangyari sa kanya.
"Dad? Are you okay?" pansin ko na kasi na namumutla na ang mukha niya.
Mahinang ngumiti siya sa akin. "I-im fine anak. Don't need to worry," nanghihina niyang tugon. Bigla na lang siyang natumba, ngunit mulat pa rin ang mga mata.
"TUBIG!!!!" naghe-hysterical na utos ko sa mga taong may dalang baril. Pero, wala ni isang kumilos. Galit ko silang tinignan. "I said, tubig! My father needs water!!" they gathered together hanggang sa nagsitanguan silang lahat.
Umalis ang isa nilang kasama, pagbalik nito ay may hawak hawak na itong bottled mineral water. Bigla niya itong initsa sa amin. Tsk, walang modo! Bagsak ata ang grado nito sa ESP! Pakyu niya! Basta ako, gwapo ako keysa sa kanya! Blehhhhh!!!!
Dinampot ko ang bote ng tubig kahit medyo sumakit ang wrist ko dahil sa tali, inilahad ko ito sa harapan ni Daddy, pero siyempre tinanggalan ko na muna ng takip.
"Ito Dad oh, inumin mo na muna. Mukhang wala naman yata yang lason." nadala ko pa ang magbiro, ngiti-ngiting kinuha niya iyon at ininom. Mabilis ang kanyang paglagok na tila'y isang araw na hindi naka-inom ng tubig.
Unti unting pumorma na parang pinahigang crescent moon ang kanyang mga labi, ngunit parang yung crescent na hindi pa fully curved. Halatang may naramdaman na ginhawa sa pakiramdam. Umupo siya sa sahig, kahit hindi man sobrang komportable, he suit himself, kaya ako rin ay napaupo na lang din.
BINABASA MO ANG
She's My Boyish Girl
Ficção AdolescenteZavier Yutsuko a girl, no scratch that a boyish girl. Having a simple life is her dream, just goofing around have fun, entering a boys fight, that's her. Until the day has come that she need to transfer, but everything changed. As she stepped into h...