Chapter 6

1.4K 74 0
                                    

***

Zavier Yutsuko

THE aircon inside the taxi enveloped my whole being. Tahimik lang ang kotse, at wala masyadong traffic. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit. My tears started to fall again... and again.

Hindi na sila naubos. Alam ko namang hindi kami ganon ka-close ni Daichi, pero kailangan niya ba talagang sabihin sa'kin yun? Sa lahat ng taong inasahan kong hindi ako sasaktan, siya pa talaga. Hindi kami ganon kalapit pero, kapatid niya pa rin naman ako diba?

Bakit ganon na lang siya kung makapagsalita? Mas importante pa ba ang mga lamang lupang yon sa kanya? If oo, then fuck him! Fuck them all. Pare parehas lang silang lahat.

"O-okay ka lang ba, hija?" Nautal pa ang driver at sinilip ako sa salaming nasa harap niya. Napatango naman ako and wiped my tears. "O-oo po." Maikling tugon ko.

His right hand left the stirring wheel at inabot sa'kin ang isang panyo. It's a plain blue handkerchief na may embroidered samurai sa lower right portion nito.

Pagsini-suwerte ka nga naman, samurai pa. I chuckled. Talagang pinapaalala sakin ng tadhana ang nangyari kanina.

"Now I understand kung bakit ganon ka tratuhin nina Uncle, dahil diyan sa ugali mong walang kwenta."

"You're a jerk, Daichi."

"Sabagay, jerks that flocks together, will be jerks forever--"

"Zavier, no wonder our family despise you. You're an immature brat na walang pakialam kung di sa sarili niya lang. Kung wala kang kahihiyan sa sarili mo, bigyan mo naman ng kahihiyan ang magulang natin. Don't taint our name with that trashy attitude of yours."

"How dare you? Are you listening to yourself? How could you say that to m-me? To your... S-sister?"

"My sister. JUST my sister, know your place Zavier." 

"Kung ano man ang dinadala mo, makakayanan mong lagpasan yan. Iiyak mo lang ang lahat, pagkatapos ay babangon ka bukas para humarap ulit sa hamon ng buhay."

Suminghal ako sa kanya. "You think, that's easy? Na ganon ganon lang? You don't know my pain!" Hindi ko mapigilanh masigawan siya, bakit pa kasi siya nagsalita. My mind is in haywire, kaonti na lang para na akong bombamg sasabog.

"Hindi ko man alam kung anong pinagdadaanan mo, hija. Pero ang alam ko malungkot ka."

"Tandaan mo, hija. Lahat tayo may pinagdadaanan nasa satin na lang yon kung lalaban ba tayo o susuko na lang."

Hindi na ako sumagot pa. I stared at the window, hindi ko alam kung saan ako bababa. Sa bahay? Paniguradong papagalitan na naman ako, nahihiya naman akong pumunta sa bahay nila Jiro at Laurence.

At isa pa, ayokong kinaawaan ako. I hate seeing those eyes na para bang isa akong kaawa-awang nilalang. Minutes after, in the middle of these stores na nadadaanan namin. I saw a convenient store.

Maliwanag na maliwanag ito, para bang inaanyayahan akong pumasok. Or is just me hallucinating.

"Para po," may bahid pa rin ng pag-iyak ang boses ko. I hate it when I'm in this kind of state. He stepped on the break at matiwasay naman kaming huminti sa tapat ng convenient store.

I fished out my wallet at kinuha ang isang libong nandon and gave it to him. "Bayad po," sabi ko nang iabot ko ito.

Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang nilingon ako. "Wala akong panukli, hija. Hindi naman ganon kalaki ang--"

"Keep the change, manong. Thanks for your advice." Hindi ko na hinintay oa ang kanyang tugon at umalis na sa taxi niya. Binaba pa niya ang bintana and smiled then he thanked me na tinanguan ko lang.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon