Chapter 70

355 17 0
                                    

***

Third Person

*blaaag!*

Agad na minulat ni Nox ang kanyang mga mata nang marinig ang kalabog. Takang-taka kung saan nanggaling ang kalabog, kung sino o ano iyon. Agad niyang kinuha ang baril na nasa loob ng cabinet sa ilalim ng kama ni Zavy sa condo nito.

Tumayo na siya at dahan dahang naglakad papunta sa sala. Kumakabog man ang dibdib ay linakasan niya ang kanyang loob nanginginig na itinaas niya ang baril hanggang dibdib at inihanda ito, nang marinig ang ingay na nagmumula sa sala.

Humakbang siya ng tatlong beses at itinutok sa kung sinuman ang baril, ngunit agad niya itong ibinaba nang makita ang dahilan ng kalabog.

Nox Cantrell

Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang aking bibig. A-anong nangyari sa mahal ko?! "W-what happened to her?!" galit kong tanong sa kanila nang tinignan ko sila.

"Kumal—"

"Kumalma?!" sarkastikong sigaw ko kay Marcel. Dala pa ng inis ko sa kanya dahil sa ginawa niya. "Eh bakit wala siyang malay, ha?!" bulyaw ko sa kanya. Napapikit siya at bumuga ng hangin.

"She's fine okay," kalmadong sabi niya at tumingin siya kay Zavy. Teka?! Para saan ang titig na iyon?! Bakit kailangan pang titigan?! "Queen is just stressed and tired, kaya ayan tulog," he explained. Napatanga ako sa sinabi niya.

Napapikit ako saglit and I pressed my lips. Ganon na ba talaga ang pagod niya at tulog siya nang umuwi? I stared at her peaceful face. Kawawa naman ang Ri ko. Kung ba kasi ayaw niya akong patulungin eh. Napanguso ako.

Sa tingin ko naman.. I can help her, right? Hinaplos ko ang pisnge niya. "I wish you'll tell me. So I can help you, baby. Hindi yung pinaglilihiman mo ako," malungkot kong saad. "Kasi diba dapat.. nagtutulungan tayo diba? That's how lovers do, Zavier."

They love each other, and they will help each other. That's how love works, Ri. That's how love works.

Matapos ang ilang minuto, napagpasyahan kong ipasok siya sa kwarto.

Zavier Yutsuko

Napaluha ako nang iwan ako ni Nox, at tahimik ko itong pinunasan. Kung pwede lang sana, kung pwede lang ginawa ko na eh. Kasi alam kong masasaktan kita, pero ayaw kitang mapahamak ng dahil sa'kin.

Nahigit ko ang aking paghinga nang bumukas ang pinto. Wag kayong ano, narinig ko kasi. Dali dali skong pumikit at kinalma ang sking paghinga. Biglang gumalaw ang right part ng kama. Kung saan naroroon ang bedside table at ang lamp.

Narinig ko ang pag agos ng mumunting tubig at naramdaman ko ang isang magaspang gaspang na maligamgam na bagay sa noo ko. Isang bimpo. Ang caring talaga nitong, Ri ko.

Pinunasan niya ako mula ulo, braso hanggang paa. Gusto ko sanang ngumiti, pero wag na lang. Kakaririn ko na ang tulog tulogan scheme ko. Matapos ang ilang minuto, wala na akong maramdaman pang bimpo.

"Papabihisan na lang kita kay Celian, ha?" saad niya at narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Napamulat ako ng mata. At pinikit pikit ko ito. Sana kayanin mo, Nox. Kasi ako kakayanin ko.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon