***
Third Person
NANATiLI siyang nakatunganga sa kawalan habang malayang lumilipad ang kanyang isipan. Tanging katahimikan lang ang bumabalot sa apat na sulok ng kanyang silid. Paulit-ulit na napakurap-kurap ang kanyang mga mata nang sumagi sa kanyang isipan ang pangyayari kahapon ng madaling araw.
-
"PLEASE, kung aalis ka man, magsabi ka! Hindi yung nawawala ka na lang bigla!" May bahid ng pag-aalala ang tinig ni Nox. Mas inunahan niya pang magsalita ang magulang ni Zavier. Napuno naman agad ng pagtataka ang mukha ni Zavier. Hindi niya mawari kung bakit nag-aalala ang lalakeng nasa harapan.
Kailan pa ito naging concerned? "Parang tanga to." Hindi naman mapigilan ni Kae at Arkin ang tawa dahil sa tinuran ni Zavier. Ilang oras itong nag-alala at naghintay, tapos sasabihan lamang ng tanga ni Zavy? Hindi naman makasingit ang magulang ni Zavier. Pinipigilan nila ang kanilang mga sarili dahil maraming tao.
"L-let's go!" Pasigaw na ani ni Nox. Nanlaki naman ang mata ni Zavier nang hilahin siya ni Nox papunta sa second floor. Dinala naman ni Nox si Zavier sa pintong nakita niya at ipinasok si Zavy doon. "Seriously? Guest room? Mukha ba akong bisita rito? What are we going to do here?"
Napatigil naman si Nox at napatitig sa nakataas kilay na muukha ni Zavier. "S-sorry," nahihiyang aniya.
"Alam mo, diko magets ang kalikot ng bituka mo. Nag-aalala ka because??" Hindi naman ito masagit sagot ni Nox kaya tumingin na lamang siya sa kanyang gilid.
"W-wala." Lumabas ang binafa ng walang paalam leaving Zavy in awe.
-
NAPANGITI na lamang si Zavier. Bumungad sa kanya ang tahimik na sala nang bumaba siya. Tanging ang ilaw mula sa dining room ang nagbibigay ilaw sa lugar. Napa-iling na lang siya at inayos ang pagkakasukbit ng kanyang bag at lumabas na.
Pumasok na siya sa kanyang kotse at pinaandar ang makina and drove her way to school. Nang makararing siya sa skwelahan ay wala pang tao. Maaga siyang nakarating dahil maaga siyang naghanda. Hindi naman na siya natulog kaya naligo na lang siya. Madami rin siyang inasekaso kaya naubusan na siya ng oras para matulog.
Only the calming sound of the wind hitting against the trees can be heard. Papasikat pa lang ang araw, sadyang nakakakalma nga ang atmospera. This made Zavy feel the word 'peace'. The word unknown in her world. She sighed .
-
NAPATANGO-TANGO si Zavy habang kausap ang ilang sa mga kaklase niya. Break time pa naman, wala rin ang kanyang gang, may lumapit sa kanya at sinubukan siyang kausapin so she talked to them like a normal student do with their peer.
"Alam mo ba, Zavier. Natatakot talaga kaming lapitan ka, you look so scary!" Napatawa naman si Zavier. Sino nga ba ang huling nagsabing hindi siya nakakatakot?
"Am I?" Natatawang aniya. Yun na lamang ang kaniyang nasabi dahil hindi naman siya gaanong sanay sa pakikipag-usap, maliban na lamang kung ito isang business meeting. Minsan lang din siya makipaghalubilo sa ibang tao, tanging ang mga malapit lamang sa kanya ang kanyang nakakausap.
-
"WHY is she talking to them? Bakit siya nakikipag-usap sa mga taong kagaya nila? Bakit hindi siya makipag-usap sa'tin diba?" Halos malukot naman ang mukha ni Nox sa nakikita. Imbis na lalabas na sana siya para pumunta sa cafeteria, ay nakita niyang nakikipag-usap si Zavy sa iba.
What's worst is, pasimple pa itong ngumingiti na parang masayang-masaya.
"Bakit ba, bro? What's wrong if she's trying to socialise with other people? Don't you think it's a good thing kasi hindi na siya aloof sa ibang tao?" Nanlisik ang mga matang tinignan ni Nox si Kaemoon na nagsalita.
BINABASA MO ANG
She's My Boyish Girl
Teen FictionZavier Yutsuko a girl, no scratch that a boyish girl. Having a simple life is her dream, just goofing around have fun, entering a boys fight, that's her. Until the day has come that she need to transfer, but everything changed. As she stepped into h...