02: HIM OR HIM?

235 12 3
                                    


CHRISTINE'S POV

Nilapag ko naman ang gawa ko sa itaas ng lapida ni Andrea. Ngumiti naman ako ng mailapag ko ito.

"Ang ganda mo talaga Andrea... Naalala ko noong makipag kaibigan ako sayo. Kinakabahan ako ng matindi dahil hindi ko alam kung gugustuhin mo ba akong maging kaibigan."

Mahiyain talaga ako noon. Kaya nga si Karl lang ang naging kaibigan ko eh. Pero nung makita ko si Andrea hindi ko na pinalampas ang araw na yun at nagpakilala.

Nabighani kasi ako sa angkin nitong ganda, para akong hinatak ng kagandahan niya hahaha! Tapos dahil sa kanya naging extrovert akong tao. Nagagawa ko ng makipag-kaibigan, makipag away pa nga eh hahaha!

"Sorry ha.. Kung ngayon na lang uli ako nakadalaw. Busy na kasi ngayon. College life ya' know.."

Kinuha ko ang Culinary. Mas nage-enjoy kasi ako sa pagluluto kesa sa pagda-drawing. Tsaka gusto ko na talagang maging  chef bata pa lang ako.

Nagulat nga akong Culinary din kinuha ni James, kaya magkaklase nanaman kami.

"Ikaw kaya, Andrea? Ano kaya ang kukunin mong course kung sakaling buhay ka pa?" Tanong ko at hinimas ang lapida nito.

"Hindi naman niya masasagot tanong mo! Baklang 'to!"

Gulat naman akong napatingin sa gilid at nakita ko si Felix na nakangiti sakin. Umupo naman ito sa tabi ko.

"Oh, buti wala kang pasok?"

"Hays! Girl nakakapagod! Bakit ko ba kasi kinuha BSA!" Pagiinarte nito. Natawa naman ako sa kanya.

"Gusto mo naman iyan kaya pagsikapin mo."
Seryoso kong nakangiting sabi. Nakanguso naman itong tumingin sakin.

"Tama ka. Kahit gaano pa kahirap!" Sigaw nito. Natawa naman ako kasi lalaking lalaki ang boses nito nung sumigaw.

Nakita ko naman na kinuha niya ang frame na nilagay ko.

"Ang galing mo talang gumuhit, Christine." Sabi nito habang nakangiti. Hinaplos naman niya ang frame.

"Kuhang-kuha mo ang bawat detalye ng mukha niya."

I chuckle. "Kung may kapangyarihan lang ang lapis baka binuhay ko na ulit si Andrea."

Muli naman niya inilapag ang frame. "Ano kaya ang nararamdaman ni Andrea nung mga panahon na inaway natin siya?" Sabi nito.

Napayuko naman ako. Sa tuwing maaalala ko kung gaano kami naging masama sakanya naiinis ako sa sarili ko.

"Kung ako masasaktan ako ng sobra." Dagdag pa nito. Hindi naman ako nagsalita.

"Si Hillary ang sobrang nasaktan. Siguro katulad natin ay nagagalit din siya sa sarili niya." Sabi ko.

Hindi naman ito sumagot. "Hayy! Nami-miss ko na ang ka abnuan ng babaen yan! Tara na nga!" Sabi nito at tumayo.

Napangiti naman ako at muli kong binalingan ng tingin ang drawing ko saka tumayo.

"Babalik na lang kami." Sabi ko.

~•••~

"T-Teka naman, Felix!" Sigaw ko ng makarating kami sa tapat ng Starbucks kung saan siya nagtatrabaho.

"Girl! Don't be so maarte!" Sabi nito at muli akong hinatak pero sinubukan ko muli itong pigilan.

"Anong maarte!? Eh ikaw nga itong ayaw kumain sa ibang kainan!" Sabi ko pa.

Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon