A/N: Short Update muna tayo ;)
AUTHOR'S POV
— 3 Days Later —
"So get out, get out, get out of my head!
And fall into my arms instead!
I don't, I don't, don't know what it is!
But I need that one thing, and
You've got that one thing!"Kanta ni Ashlyn habang may hawak-hawak na brush at nagtatalon-talon sa kama na akala mo'y nasa stage.
"What the hell are you doing?" Takang tanong ni James ng makapasok sa kwarto ni Ashlyn.
Napalingon naman si Ashlyn nanlaki ang mga mata nito sa gulat ng makita si James. Agad naman itong bumaba ng kama.
"H-Hindi ba uso sayo kumatok!? Tsaka feeling bahay mo naman 'to!" Reklamo nito habang namumula ang kaniyang pisngi.
"Well, I just want to tell you about pur plan." Wika nito at umupo sa sofa.
Napakunot naman ang noo ni Ashlyn. "Plan?" Tanong nito at umupo sa isang sofa si Ashlyn. Tumango naman si James at ngumiti.
"Well, napaka-simple lang naman ang plano.." Pagbitin nitong wika. Inantay naman ni Ashlyn ang sasabihin ni James.
James snap his finger and points at Ashlyn. "Huwag kang sumipot sa kasal." Wika nito. Napakurap naman ng ilang beses si Ashlyn sa sinabi ni James.
"Are you serious!? Ayoko nga!" Reklamo nito. Napa-angat naman ang kilay ni James.
"So you want us to get married?" Sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Ashlyn.
"H-Hindi 'no! Hindi ako papayag na ganon ang plano! Baliw ka ba!? Sisirain mo ba image ko?" Paliwanag nito. Napasandal naman si James ng magkaroon ito ng punto.
"Then.. Let's both run away in a place where they can't find us and we'll gonna stay there until they finally decide not to continue this stupid marriage."
Natahimik naman si Ashlyn at inisip ang sinabi ni Vivian nung nakaraang araw.
— Flashback —
"I knew you like him!" Masayang wika ni Vivian ng umamin si Ashlyn sa kaniya.
"Yeah, but please don't tell him!" Kinakabahang sabi nito kay Vivian. Nakangiti naman si Vivian na nakatingin sa kaniya.
"Fine, pero tutulungan kita." wika nito na ikinataka naman ni Ashlyn.
"Bakit ba gusto mo ako tulungan?" tanong ni Ashlyn mas lalo namang napangiti si Vivian.
"Simple lang. Mas gusto kita kesa sa kaniya."
Hindi naman na gets ni Ashlyn ang sinabi ni Vivian kaya naman ay hindi na lang niya ito pinansin. Hindi naman maiwasan ni Vivian makaramdam ng excitement sa kaniyang mga balak na bumubuo sa kaniyang isipan.
—End—
"Let's go mga bruha!" Masayang wika ni Felix habang papasok sa isang botique.

BINABASA MO ANG
Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]
Ficção AdolescenteDISCLAIMER My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.