32: FOUND HER

174 9 2
                                    

A/N: Sorry to keep you waiting ;< nagkaproblem lang po ako sa gadget :( anyways enjoy guys!








KATE'S POV





"Hmm.." Unti-unti ko naman dinilat ang aking mata. Napamulat naman ako ng matindi ng makita ang mukha ni James sa harap ko.




Naramdaman ko naman ang kirot ng ulo ko kaya hindi muna ako naggagalaw. Muli ko naman nilingon si James na mahimbing na natutulog.




'What the hell is he doing he—'




Natigilan naman ako ng maalala ang nangyari kagabi. Napapikit naman ako ng matindi.



'Natuloy ba? Fvck me! Ano bang pinagiisip ko at nagawa ko ang bagay na yon!?'



Tinignan ko naman ang suot ko at nakita kong walang pinagbago, nakahinga naman ako ng maluwag.




Binalik ko naman ang tingin ko sa lalaking katabi ko hindi ko alam pero napatitig na lang ako. Makapal ang kaniyang kilay ang kaniyang pilik mata ay mahaba ang ilong matangos... Napalunok naman ako ng mapatingin ako sa kaniyang labi.




Napakagat labi naman ako ng maalalang hinalikan ko ito kagabi. Ang lambot at ang tamis ng mga ito, nakaka-adik at parang gusto ko pang—



Napahinto naman ako.. Ano ba ang mga pinagsasabi ko? Lasing pa din ba ako? Napailing naman ako at napaupo kahit na alam kong kikirot ang ulo ko.




Napapitlag naman ako ng marinig ang isang tunog na galing sa phone. Alam kong hindi iyon akin kaya naman ay tinignan ko ang kabilang side table at duon ko nakita ang tawag.




Dahan-dahan ko naman itong kinuha at sinagot agad ang tawag ng hindi sinisilip kung sino ang caller.



"Hello?" Pabulong kong sabi.



"Who is this? Bakit na sayo ang phone ni James?"



Duon ko naman sinilip ang caller at nakita ko ang pangalang 'Aunt Colin'



"Ah.. This is Kate Bartolome, naiwan ni James ang phone—"



"Omg.. For real!? I mean.. I'm his Auntie, Maxniel's wife." Bahagya naman akong nagulat.



"Ah, yes." Sagot ko.



"Napatawag ako dahil hindi umuwi si James, do you know where he is?"


Napatingin naman ako sa katabi kong mahimbing ang tulog.



"I'm sorry, I don't know where he is.. Baka balikan niya phone niya dito sabihan ko na lang po kayo."



"Oh, okay.. By the way, i'm glad you're alive. I hope to see you soon, bye." Masaya nitong wika at binaba na ang tawag.



Napabuntong hininga naman ako at dahan-dahan inilagay ang phone sa kabilang side table.



"Oh!" Nabigla naman ako ng bumagsak ang katawan ko sa kaniya at sakto pa ang mukha ko sa mukha niya.



'Tch.'



"Pwede bang bitawan mo ako?" Kunot noo kong wika dito. Nakita ko naman itong dahang-dahang iminulat ang mga mata.



"What are you going to do if I don't?" Bulong nitong wika tsaka ngumisi sa akin.



Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon