03: ITS GOOD 2B BACK

211 13 1
                                    




JAMES POV


"Mag-iingat kayo doon, James. Ha." Pagpapa-alala ni Auntie Colin habang inaayos ang gamit ko sa sunod na araw.

"Opo, tita." Nakangiti kong sabi habang tinutulungan ito.

"Wala dapat akong maririnig na galing ka sa isang gulo ha! Nako pag nangyari iyon lagot kayo sakin lahat! Damay-damay kayo." Pagbabanta nito na ikinatawa ko naman.

Dumaan na ang dalawang taon ay hindi na ako nasangkot pa sa gulo, ni hindi ko na nga matandaan kung paano sumuntok ng isang tao.

"Sama na kasi ako kuyaaaaaaa!" Pagmamaktol namang bungad ni Aiyana ng makapasok sa kwarto.

"Hindi nga pwede, Yana. Puro lalaki duon, walang babae." Sabi ko naman dito.

"Kasama naman kami eh.."

Napatigin naman ako sa bagong pumasok at napatayo ako ng makita si Vivian.

"Ate Vivian!"

"Oh, Vivian... Kailangan ko na ba magpalagay ng mga bantay dito sa bahay ko?" Biro naman na sabi ni Auntie.

"Pasensya na po, Mrs. Ocampo.." Nakangiting sabi nito. Tumayo naman si Auntie at lumapit kay Aiyana.

"Tara, iwan muna natin ang ate at kuya mo." Sabi nito at hinatak si Aiyana palabas ng kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at muling umupo sa kama.

"Dinadalaw ka.." Sabi nito tsaka umupo sa pwesto ni Auntie at siya nagpatuloy ng ginagawa ni Auntie.

"Hindi naman ito ospital.." Iritable kong sambit ngunit hindi ko masyadong pinahalata.

"Oh, please. James, sabihin mo na lang na ayaw mo akong makita." Maarte nitong sabi.

'Nadale mo.'

"Kasama nga pala kami, inimbitahan ko sina Christine, since lahat naman ng istudyante ay binigyan ng maagang bakasyon."

Kunot noo ko naman siyang niligon. "Sasama kayo? Alam ba ng team?"

"Yup, nung una di sila pumayag kasi boys lang daw, pero kinausap ko sila ng maigi kaya pumayag sila."

Totoo ang sinabi niya na buong istudyante ng HSU ay binigyan ng isang linggong bakasyon.

Naging maganda din naman ang naging dahilan ni Auntie Colin. Buong istudyante ng HSU ay sumipag at naging busy nakita din ni Auntie Colin na walang nagiging problema ang mga lecturers sa kanilang mga istudyante kaya naman ay binigyan kami ng isang linggong bakasayon.

Napabuntong hininga naman ako.. Paano naman ako mage-enjoy nito kung kasama siya? I mean look, she's here again. Kailan ko ba siya hindi makikita ng isang araw??


"Alam mo, James. Hindi kita tatantanan kapag wala ka pang nahahanap na babae. Pwede namang ako muna pansamantala." She giggles.

Muli nanaman ako napabuntog hininga at napailing na lang. Lumipas ang dalawang taon ngayon lang niya nilabas ang tunay niyang ugali, kung noon kasi ay tinitipid niya ito.

—KINABUKASAN—

Napag-desisyunan kong pumunta ng market para bumili ng pagkain sa byahe, kahit mga chichirya lang ay okay na tsaka inumin.

Nang makapili na ako ng mga pagkain ay pumila naman ako para makapag-bayad na.

"Hoy! Antagal naman niyan!" Reklamo ng nasa unahan ko.

Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon