11: CABALLERO FAMILY

137 12 1
                                    

JAMES POV



"Good morning, kuya." Bati sa akin ni Kulas ng makababa ako.

"Morning, Kulas." Bati ko at ginulo ang buhok niya.

"Where's my pasalubong po?"

"Its in my room, wanna get them later?" Nakangiti kong sabi. Todo naman itong tango habang nakangiti.

"Oh, goodmorning. James."

Napalingon naman ako sa likod ko kung saan ako bumaba at nakita ko si Uncle Max.

"Morning."

"Pasensya na kung hindi na kita nasalubong kahapon, you know..."

"I understand." Sagot ko. Nakita ko naman na tinitigan niya ang mukha ko.

"What happened to your face."

Napahawak naman ako don sa mga sugat ko. Nakalimutan kong may sugat pala ako.

"Ahh, may tinulungan lang na babae. Maliit lang naman ito, hindi naman ako mamatay."

Inangatan naman niya ako ng kilay at nginitian. "Hindi ka nga mamatay diyan, papatayin ka naman ng Tita mo." Sabi nito at tinapik ang balikat ko bago niya ako lampasan.

"Kuso." (sht)

"Kain na, James."

Napapitlag naman ako sa boses ng tita ko at naga-alinlangang lumingon. Damn, hindi niya ako pinagalitan kahapon tungkol dito paniguradong ngayon niya ako papatayin.

Lumapit naman na ako at umupo sa upuan. Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Tita na nakatingin sa akin.

"Hoy."

*LUNOK*

Hindi naman ako sumagot o tumingin sa kanya at sumandok na lang ng kanin.

*DUG!*

Napahinto naman ako sa pagsandok ng hampasin ni Tita ang lamesa.

"James Morales, tumingin ka nga sa akin." madiin nitong sabi.

Dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya habang lumulunok ako.

Bumwelo naman ng hininga si Tita para sigawan ako ng magsalita si Kulas.

"Mommy, wag niyo na pong pagalitan si Kuya James dahil nagligtas lang naman po siya ng babae. Hindi naman po iyon masama hindi po ba?" Inosenteng sabi nito habang nakatingin sa pagkain habang ako ay nagpipigil ng hininga.

"Ehem, Very good yon, baby. Hindi naman kasi agad sinabi ng kuya mo eh.. Oh sige na kain na." Nakangitng sabi nito at tuluyan na siyang umupo.

Nakahinga naman ako ng maluwag sinilip ko naman si Kulas at nakita ko itong nakatingin sa akin at kinindatan ako, nakangiting napailing nalang ako. Nagmana sa tatay, tss..


~•••~

"Musta James." Bati sa akin ng isang lalaki na hindi ko kilala, nginitian ko naman ang tumawag sa akin.

"Omg, sana ako deeen!"

"Sana lalaki na lang ako, huhu."


Tuluyan naman akong nakarating sa tapat ng room ko.

"TABEEEEEEEE!"

Napalingon naman ako sa sumigaw at nakita o si Christine na tumatakbo sa direksyon ko.

Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon