09: FINAL

167 14 2
                                    



CHRISTINE'S POV

"Ano? Asan daw siya?" Tanong ko ng ibaba ni Karl ang tawag, humarap naman ito sa aming lahat.

"Hindi niya sinabi, pero sigurado naman akong ayos lang siya." Sabi nito sa amin.

"Ano ba kasi ang pinag-usapan niyo kagabi?" Tanong ni Lance. Lahat naman kami ay hinanda ang mga tainga para sa kanyang sagot.

"Its about Andrea. He just can't forget everything." Sagot nito ng hindi tumitingin sa amin.

"Grabe na yang pagka-adik ng kaibigan niyo diyan sa Andrea na yan. Ano bang meron doon?"

Lahat naman kami ay napatingin kay Vivian na nakasandal sa lamesa.

"No offense." Pahabol niya pa. Napabuntong na lamang si Karl sa nangyayari.

"I'm gonna find him." Tamad na sabi ni Karl at hinanda ang sarili.

"Sasama kami." Sabi naman ni Samuel at akbay-akbay niya si Jeric at Adam.

"Tutulong na din ako." Sabi naman ni Roi. "Okay, yung maiiwan kayo na bahala sa mga babae." Bilin naman ni Karl at naglakad palapit sa pintuan. Lumapit din naman ang sasama sa kanya. Humarap naman si Karl sa direksyon ko na ikinataranta ko ngunit hindi ko pinahalata.

"Lalo na ang Misis ko." Nakangisi nitong sabi tsaka tuluyang lumabas.

"Lalo na ang Misis ko."

"Lalo na ang Misis ko."

"Lalo na ang Misis ko."

Parang kiniliti ang puso ko sa sinabi niya at parang isang musika sa tainga na ang sarap ulit-ulitin.

"Mrs. Tine.."

Tila nagising ako ng tawagn ako ni Paul kaya naman nilingon ko ito.

"Huh?" Sabi ko, nakangiti naman itong lumapit at inabutan ako ng tissue.

"Ang laway, natulo na." Natatawa nitong sabi. Namula naman ako sa sinabi niya kaya naman ay kinuha ko ang tissue at hinampas sa mukha niya.

"Uaarsghhhh!" Sigaw nito kaya naman pinasok ko sakanyag bibig ang tissue.

"Hahahahaha!" Tawa ng iba. Dinura naman ni Paul yung tissue.

"Grabe ka naman! Nagmamalasakit lang naman ako ah!" Sabi nito, pero inirapan ko lang siya.

*knock knock knock*

Napatingin naman kami sa pintuan at binuksan naman ito ni Paul, bumungad naman sa amin ang nakangiting si Kairo.

"Oh, pare. May kailangan kayo?" Sabi nito na ikinanuot ng noo ko.

'Kayo?'

Duon naman ako napatingin sa gilid ni Kairo kasama niya si Lucas. Agad naman akong umiwas ng tingin ng mapatingin sa akin si Lucas.

"May mga dala kaming pagkain, naisipan namin na dito kumain para makakain kayo. Andami kasi, tatlo lang kami, umalis pa yung isa." Paliwanag ni Kairo, tila nagsi-kislapan naman ang mga mata ng kasama ko sa sinabi ni Kairo. Wala pa kasi kaming kain dahil kay James.

"Sige ba. Saan ba?" Tanong ni Jake. "Dinala na namin para hindi na tayo maglakad." Sagot naman ni Kairo. Pinapasok naman sila at isa isa din pinasok ang dala nilang pagkain.

Napanganga naman ako dahil parang pang fiesta ata itong mga dala nila sa sobrang dami! May lechon pa!

d☆O☆b


Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon