43: WHAT WILL HAPPEN NOW?

94 10 1
                                    








AUTHOR'S POV




Muli namang nagka-ayaan na maligo muli sa dagat ang magka-kaibigan. Ang iba ay naglalaro ng volleyball habang ang iba ay nakaupo lang.



Pinapanuod naman ni Kate ang mga taong naliligo sa dagat habang nakaupo ito at nakasilong sa payong.



"Kate!" Tawag naman ni Kairo habang papalapit sakanya. Umupo naman ito sa kabilang upuan.


"Bakit hindi ka pa maligo?"



"Wala akong ganang maligo. Gusto ko lang magpahangin." Sagot naman ni Kate habang nakatingin pa din sa malayo.




Hanggang ngayon ay hindi pa din niya malimutan ang nangyari sa kaniya kagabi. Hindi niya inaasahan na mangyayari iyon sakaniya dahil iyon ang  ang unang beses na mag panic attack siya.



Kate close her eyes and look at Kairo. "Hindi ka na ba babalik doon?" Napalingon naman si Kairo sa kaniya.


"Mamaya na lang, bakit? Miss mo na ba ako?" Nakangiting wika ni Kairo. Inirapan naman ito ni Kate.



"Gusto ko lang itanong kung kamusta ka na?"



Kumunot naman ang noo ni Kairo. "I mean, kamusta ka noong mga panahong hindi na tayo nagkita."



"Ahh... Ayos lang naman ako noon, hindi ko lang inaasahan na magkikita tayo sa H.U" nakangiting sambit nito. Sinilip naman ni Kairo ang pulso ni Kate.



"It's just sad that you lost it." Nagtaka naman si Kate at napatingin din sa sariling pulso.



"Lost what?"



"The bracelet that I gave you when were a kids. Nakita ko pa yun sayo noong unang pagkikita natin sa H.U" sabi nito at tinanaw ang dagat.



Napakurap naman si Kate at tinitigan ang pulso at duon may nakita siyang imahe ng isang bracelet at agad din nawala.




"The bracelet.. I think I hid it somewhere."
Napalingon naman sakaniya si Kairo.



"Do you remember?"



"Yeah, but I don't remember where I hid it. The important is it's hidden somewhere safe." Malumanay na wika ni Kate at nilingon si Kairo.




Napangiti naman si Kairo. "Stop smiling. You are creeping me out." Walang emosyong wika ni Kate.


"I just can't help it."



Umirap naman si Kate. "Right.. your parents, kamusta? I've never met them once." Hindi naman nakasagot agad si Kairo kaya naman kumnot ang noo ni Kate.



"Kairo..?"




"Huh.. ahh.. Babalik muna pala ako sa beach house may gagawin lang." Sabi nito at tumayo na saka naglakad palayo.




Napakibit balikat naman si kate at muling tinanaw ang dagat. Lumakas naman ang hangin dahilan para pumikit ito at hinayaan humampas ang hangin sa kaniyang mukha.


Hanggang sa napag desisyunan niyang maglakad-lakad sa beach. Habang naglalakad ay may nakita siyang may edad na lalaki na hinihila ang bangka na tulad sinakyanan nila.



Lumapit naman ito dito. "Kailangan niyo po ba ng tulong?" Napalingon naman ang lalaki sakaniya at tumayo ng deretso.



"Ay nako, salamat pero kaya ko na." Nakangiting sabi ng lalaki at muling hinila ang bangka paahon sa buhangin.


Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon