40: HEARING VOICES

130 12 4
                                    


A/N: GUYS, ETO NA HAHA NAKALIMUTAN KO PASENSIYA NA PO









KATE'S POV






d—_—b






Ughhhhhh.....





"Papa! Papalayasin mo ba ako? Lahat ata ng damit ko sa closet nilagay mo sa bagahe ko eh." Reklamo ko dahilan para tumigil ito kakalagay sa bag na punong-puno na as in ginawa niyang bundok.





"Baka kailanganin mo lahat eh.." sabi nito habang sinisiksik pa din ang mga damit sa bag. Lumapit naman ako sa kaniya at pinigilan siya.




"Enough, 3days lang naman kami doon. Tsk, this is why I don't want to come." Bumuntong hininga naman ako habang tinulak ang tumpok na damit sa bag. Kanina nanahimik akong naghahanda naligo lang ako naging makalat na kwarto ko.






"I am just excited."




Napairap naman ako sa sinabi niya. "Sana ikaw na lang sumama." Sabi ko sakaniya at inayos ulit ang mga gamit na inayosnko kanina.





"This might help you remember something, you know." sabi nito dahilan para lingunin siya. "Seriously? Kaya mo ba ako pinasama?"




"Oo at wala kang ibang gagawin kundi ang makisama ka sakanila. Trust me, this is for the better."





Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagaayos ng gamit. "Nanay, Pwede po ba akong sumama?" bigla naman sumulpot si Kelsey sa loob ng kwarro ko.






"Oh, sweetie. May pasok ka pa. But don't worry, habang wala ang nanay mo kina Ate Aiyana ka muna matutulog, ia that okay with you?" pangungumbinsi  naman ni papa kay kelsey, bigla naman lumiwanag ang mukha ni Kelsey.




"Talaga po papa? Doon po ako matutulog?" Nasasabik nitong wika at lumapit kay papa. Ginulo naman ni papa ang buhok Kelsey.



"Yes, you will stay there for 3 days. Sounds fun?" Nakangiting napairap nalang ako lakas mangumbinsi, tss..




"Yaay!"





—•••—





Nakarating naman kami ng Airport halos isang oras din ang byahe pero mabilis na din iyon dahil hindi naman ma traffic ng umaga. Bumaba naman ako ng kotse sumunod naman si Papa na nasa driver seat at si Kelsey. Hinarap ko naman si Kelsey at pinantayan ito.





"Kelsey, makinig ka lagi kay Papa tsaka kay Kuya Max ha. Huwag kang magpapasaway habang wala ako."




"Opo nanay! Good girl po ako! Magiingat din po kayo doon." Nginitian ko naman siya at hinalikan sa noo tsaka niyakap.



"Mami-miss kita."


"Ako din po Nay."





Humiwalay naman ako sa yakap at hinarap si papa. Napabuntong hininga naman ako bago ito niyakap.




"Parang napilitan ka lang na yakapin ako ha." Natatawa nitong sabi habang yumakap pabalik sakin.




"Dahil naiinis pa din po ako.."



Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon