20: MISSING

114 16 1
                                    

A/N: yes po opo meron pa po bukas :))






JAMES POV



Pumunta naman ako sa CU para kitain si Ashlyn dahil may pinamimigay si Auntie sa kanya. Malapit naman na silang maguwian. Bibigay ko na lang sa kanya 'to mabuting hindi muna ako pumunta.



Napatingin naman ako sa isang lalaking nagaantay at sinisilip ang loob ng school, nakita ko naman si Tito Ostty.




Lumapit naman ako sa kanya. "Tito Ostty." Tawag ko sakanya, napalingon naman siya sakin.



"Oh, James. Anong ginagawa mo dito?"


"May inaantay pong kaibigan. Kayo, anong ginagawa niyo dito?"



"Aahh hinahanta—"


"Papa!"


Parehas naman kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Napatingin naman siya sakin at parehas kaming nagulat sa isa't isa.



"Kuya James!?" Sigaw nito at tumakbo papalapit samin. Yumakap naman siya sa mga binti ko.



"Magkakilala kayo?" Tanong ni Tito Ostty kay Kelsey.



"Opo, papa. Siya po yung sinasabi kong tumulong po sakin." Nakangiti nitong wika sa kanyang ama. Hindi naman akong makapaniwalang bata pa pala ang anak niya.



"Ahh, siya ba? Buti naman at si James ang tumulong sayo." Nakangiti din nitong wika. Lumapit naman si Kelsey sa papa niya.



"Papa, magkakilala din po ba kayo ni Kuya James?"


"Yes, Baby. Kaibigan ko si Kuya James mo." Sabi nito at ginulo ang buhok ni Kelsey.



"Kamusta ka na Kelsey? Hindi ka naman ba nagiging pasaway ha?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng napaka-laki.



"Hindi na po! Tulad nga po ng sabi ninyo hindi po lahat ng tao mabait katulad niyo po, kaya po nagiingat na po ako."



Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bahagya naman akong umupo para pantayan siya. Ipinatong ko naman ang kamay ko sa ulo niya.



"Matalino ka.. Siguro marami kang nakukuhang awards sa room niyo, ano?" Nakangiti kong wika.



"Tama ka nga. Napakatalino nitong batang ito! Wala na atang tatalo sa kanya sa room nila!" Proud nitong sabi at binuhat ang kanyang anak. Napapangiti na lang ako sa kanilang dalawa.




'Kung buhay pa si Papa ganiyan sana sila ni Aiyana.'





"James, gusto mo bang sumama samin? Kakain kami sa labas." Aya sa akin ni Tito Ostty.



"Hindi na.. May pupun—"



"Sige na po Kuya James! Pleeeaseee!" Pagpapa-cute ni Kelsey sa akin. Napakamot naman ako sa batok ng hindi ko matanggihan ang bata.




~•••~




Pumunta naman kami sa isang coffee shop dahil gusto daw ni Kelsey ng mga cakes.




"Hmm! Ang sarap naman po nitong chocolate cake! Try niyo po kuya James!" Sabi ni Kelsey at nilapit sa akin ang tinidor niyang may chocolate cake. Lumapit naman ako at kinain yun.




"Tss.. Hindi mo na ako nilalambing SiSi! Nakakatampo." Parang batang wika ni Tito Ostty. Bahagya naman akong natawa.




"Heto na po! Aaaaaahhhh~"  sabi naman ni Kelsey at sinubuan ang kanyang ama.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon