17: GIRL & BOY

125 10 1
                                    

JAMES POV


Nakatitig lang ako sa kanya habang natutulog siya ng mahimbing, sobra-sobra ang iyak niya kanina hanggang sa damputin ng mga guwardiya si Cater palabas.


Habang nakatitig ako sa kanya ay bigla ko naalala ang mga sinabi niya nung magaway sila ni Carter sa harapan ko.




"Bakit naman sobra kang nagagalit sakin!? Ganon na ba ako kasama sa paningin mo ha!? Sa haba ng pagsasama natin!? Hindi mo man lang ba ako hahayaang magpaliwanag!?"


Napaiwas naman ako ng tingin kay Ashlyn at pumunta ng balcony.



"Pleaseee! James! Paniwalaan mo naman ako ngayon oh! Okay na tayo eh! Okay na eh!"


Napapikit naman ako ng mariin ng marinig ko ang boses ni Andrea. Naalala ko sa kanya si Andrea. Parang pinapakita sa akin ang mga nangyari noon at pinapa-realize sa akin kung gaano ako kagago sakanya.



Napalingon naman ako sa loob ng kwarto at nakita kong kinukuskos ni Ashlyn ang kanyang mga mata tsaka ito tumunganga.


Pumasok naman ako dahilan para mapatingin siya sa akin.



"Andito ka pa pala.." Wika nito. Umupo naman ako sa dulo ng kama kung saan medyo malayo sa kanya.



"Tinamad akong mag drive pauwi." Sabi ko at humiga at pumikit.


"A-Asa—"


"Stop looking for him." Sabi ko habang nakapikit pa din. Ilang minuto naman kaming tahimik.



"Thank you, James." Pagpapasalamat nito. Hindi naman ako sumagot at bumangon nalang mula sa pagkakahiga.



"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko at nilongon siya.



~•••~

"Heto.."  Sabi ko ng mailabas ko sa oven at inilapag ang niluto namin kanina sa competition. Pinalagay ko ito sa ref kanina para hindi masira.



"Hindi ba ito yung niluto niyo kanina?" Tanong nito, tumango naman ako bilang sagot. Kinuha naman niya ang tinidor.



"Wow, takam na takam ako dito kanina habang tinitikman nila ito." Nakangiti nitong sabi at tumikim na.



"Hmmm!! Ang sarap!" Masayang wika nito at nagbigay pa ng thumbs up. Napangiti naman ako sa inakto niya.



"Wow! Ang sarap talaga!" Puri pa nito. Pinanood ko naman siya habang kumakain.



"Hindi ka ba kakain?" Tanong nito. Umiling naman ako. "Para sayo talaga yan tsaka busog pa ako." Sabi ko.


"Oo nga pala.. James, pwede bang huwag mo na lang sabihin ito sa magulang ko?"



Napangisi naman ako. "O-Oh? B-Bakit mo nanaman ako nginingisian ha!?" Nauutal nitong sambit.



"Sabihin mo muna, please master." Pangaasar kong wika.



Hindi makapaniwalang napanganga ito sa sinabi ko. "James! Seryoso kasi ako!" Inis nitong wika.


Natawa naman ako. "Seryoso din ako." Sabi ko. Nakita ko naman itong napanguso.


Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon