26: THAT DAY

153 17 4
                                    




KATE'S POV


Mag-isa naman ako ngayon sa bahay dahil may pasok si Kelsey at ganon din si Papa.


Hindi naman maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Naiyukom ko naman ang mga kamao ko.




'He pisses me off.'



I wanna kill him for doing that.. Wala sa katinuan naman akong napahawak sa labi.




I've taste it before.. Lahat ay pamilyar sa kaniya. Hindi kaya boyfriend ko siya noon?



Napailing na lang ako at tumayo sa sofa. I need some fresh air. Hindi ko talaga kayang manataling magisa sa bahay. Kung ano ano na ang mga tanong ang nabubuo sa isip ko at baka mamaya ay may mag flash nanaman sa isip ko.





May gusto akong puntahang lugar kaso pinagbabawal pa ako ni papa na pumunta sa lugar na iyon. Gusto ko man siyang suwayin ay hindi ko na maalala ang papunta doon.




'Kamusta na kaya si Lola? Inakala din niya bang patay na ako?'




Napangiti naman ako at sabik na makita siya. Pati sina kuya Earl, Max, Jonas.





Nag vibrate naman ang phone ko kaya naman kinuha ko ito at nakita ang pangalan ni papa.




"Hello, papa?"


"Kate, may ipapagawa ako sa iyo. Pumunta ka ng Hermosa University. Pero mag-iingat ka."

"Ano po ang gagawin ko don?" Tanong ko sa kaniya.



"Pag may nakita kang nagmamanman na may tato sa braso na ahas na pinalilibutan ang bungo siguraduhin mong masasagot niya ang mga tanong mo." Seryosong wika ni Papa.



"Sino po ba iyon?" Tanong ko.



"Gangmate ko noon. Nandoon siya para manmanin ang Asawa ni Max. Mukhang naghihinala na si Eugene sa pagkatao ni Max at napaka delikado kapag nalaman niya na si Max ay isa sa mga kaibigan ko noon na tinago ko sa kaniya."



"Naiintindihan ko.."


"Good. Magiingat ka. Huwag mong ipakita ang mukha mo." Pagpapaalala nito.


"I got it."

"Okay, be careful." Sabi nito at tsaka binaba ang tawag. Napangiti naman ako sa pinapagawa sa akin ni papa.




Walang ano ano'y nagpalit ako ng hoodie at nagsuot ng mask bago tuluyang umalis ng bahay.



Nakarating naman ako sa HU sa tulong ng gps. Ipinarada ko naman ang kotse ko sa isang coffee shop kung saan ay malapit lang dito.



Nasa kalayuan naman ako ng gate at nilibot ang paningin. Wala naman akong nakitang kahina-hinalang galaw. Nagintay pa ako ng ilang oras ngunit wala pa din akong makitang lalaking may tato sa braso.



Muli naman ako nag-antay ngunit uwian na lahat ng istudyante wala naman akong nakitang lalaking may tato.


Nagtaka naman ako dahil kung sa pananalita pa lang ni papa kanina ay alam kong sigurado ito. Bakit wala naman akong nakita?


Hindi naman ako halata. Napabuntong hininga naman ako at napasandal sa poste. Tinanggal ko naman ang black mask ko at duon suminghot ng sariwang hangin.



"Excus—aaaah!"


Binitawan ko naman ang braso ng lalaking ginulat ako at lumayo sa kaniya ng konti. Hawak-hawak naman niya ang kaniyang braso habang iniinda ang sakit.



Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon