JAMES POV
Tulala at pinapanood ko lang ang kalangitan mula sa bintana. Kanina pa ako gising dahil na din sa ingay pero pinalipas ko muna ang oras ko dito sa kwarto mag-isa.
Nae-enjoy ko na ang bakasyong ito. Kahapon ko lang napagtantong namiss ko ang buong team. Bakla man pakinggan pero namiss ko talaga sila. Yung mga pagsasama namin noon ay nagagawa uli namin. Sa dalawang taon na hindi ko sila ganun pinansin o sinupot sa mga selebrasyon, ngayon ko na lang uli sila nakasama ng buo.
Napalingon naman ako nang marinig Kong may kumatok, naglakad naman ako palapit duon para pagbuksan ito.
Bumungad naman sa akin ang mag-asawa.
"May kailangan kayo?" Tanong ko, kumunot naman ang noo ko ng makitang masama ang tingin sa akin ni Christine habang si Karl ay parang wala lang.
"Sinasabi ko sayo James pag hindi mo kami pinakawalan ipapasundo kita kay kamatayan!" Inis nitong sabi, napaatras naman ako dahil sa lakas ng boses nito.
"Anong pinagsasabi mo?" Inis kong aabi dahil ang sakit talaga sa tainga ng boses niya.
"Ano!? Huwag ka nga magmaang-maangan diyan! Tignan mo ang ginawa mo samin." Sabi nito at inangat ang kaliwang kamay nito na may posas na nakakabit at sa kabila naman ay ang kanang kamay ni Karl.
'Wait... What?'
"Ngayon asan na ang susi?" Sabi nito at binaba ang kamay.
"Ibigay mo na James ng makawala na kami parehas, ang hirap kayang may kasamang human megaphone."
Inis naman nilingon ni Christine si Karl. "Hoy! Buti nga sa boses ko lang ikaw nahihirapan! Alam ma ba na hindi ako nakatulog ng dahi—"
"Yeah, yeah. You already said that." Tamad nitong sabi. Inirapan naman ito ni Christine at matalas na tumingin sa akin.
"Asan na!?"
'Oh~'
I smirked mentally. "Hindi ko alam." Sabi ko at napakamot pa kunwari sa batok.
"ANO!?" Sabay nilang sabi. "Look, ni hindi ko nga matandaan na ako nagkabit sa inyo niyan, hindi ko din alam kung saan ko yan nakuha."
"K-Kung ganon, hindi na kami makakawala pa!?" Hindi mapakaling sabi ni Christine.
"James, baka naman na sa bag mo lang?" Mahinahon naman na sabi ni Karl. Kinuha ko naman ang nakahandang damit ko pamalit at twalya.
"Sige, mamaya ko na lang hahanapin.." Sabi ko at lalagpasan na sana sila ng biglang harangin ni Christine ang daan.
"Ngayon na! Ayokong umabot pa mamayang gabi dahil hindi nanaman ako makakatulog!"
"Nagugutom na ako. Sige.." Nakangiti kong sabi tsaka lumusot sa may butas nito tsaka dumeretso sa shower room.
"James!!!" Tawag nito. Natawa naman ako. Tignan na lang natin kung hindi pa kayo magkasundo.
~•••~
Pinatawag ni Vivian ang buong team sa isang restaurant para kumain ng umagahan, maaga silang napadpad dito nina Hillary at sila na midmo ang nag order.
Sabay sabay kaming kumakain ngunit iba't ibang lamesa. Kasama ko ngayon sina Vivian, Hillary, Felix, Christine at Karl.
"Alam mo, James hanga na ako sayo, hindi ko alam na may ganito kang pinaplano." Bulong ng katabi kong si Felix.
BINABASA MO ANG
Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]
Teen FictionDISCLAIMER My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.