DAZAI'S POV
*Dingdong*
Nagbukas naman ang pintuan at sumalubong sa akin si kuya Jonas.
"Oh? Dazai-kun? kokode nan'shiteruno"
(What are you doing here?)
Sasagot na sana ako ng mag bukas ng malawak ang pintuan at nakita ko naman si Andrea- I mean Kate.
Sinasanay ko na ang sarili ko sa pangalan na Kate. Napansin ko kasing naiirita siya kapag naririnig niya ang pangalan niyang 'Andrea'
"Aalis muna kami." Simpleng saad kay Kuya Jonas at dere-deretso ang labas ng hindi kami nililingon.
Sinilip ko naman si Kuya Jonas na umiiling na lang habang nakasunod ang tingin kay Kate. Napansin naman ni Kuya Jonas na nakatingin ako sa kaniya.
"Sundan mo na siya, ganiyan talaga siya simula ng mawala alaala niya. Well dati pa naman mas naging moody lang." Pabiro nitong wika sa akin at tinapik ako sa balikat..
"Go and bring her home safe. Thank you Zai." Nakangiti nitong saad at pumasok na sa loob.
Pagkababa ko naman galing sa floor nila ay nakita ko itong nakasandal sa kotse ko at nakatingin sa sahig. Napangiti naman ako at tinnggal ang crochet beanie ko at lumapit sa kaniya.
Tumayo naman siya ng maayos ng mapansin niya ako at balak ng pumunta sa kabila para pumasok sa kotse pero pinigilan ko siya na ikinataka niya.
Walang ano-ano'y isinuot ko sa kaniya ang crochet beanie.
"There to keep your head warm." Nakangiti kong wika habang inaayos ko ang beanie sa ulo niya. Umatras naman ako ng kaunti para makita ang kaniya itsure at napa-ngiti ako lalo ng bumagay ito sa kaniya.
"There.. Let's go." Sabi ko at naglakad papunta sa kabilang pinto. Binuksan ko naman ang pinto ngunit napatingin kay Kate na nasa gilid ko.
"Do you want to drive?" Taka kong wika sa kaniya.
"Huh? I don't know this place." Saad nito at napahinto ng makita ang manubela sa pintuan na binuksan ko.
I chuckle.. "You're in Japan.. Nasa Left ang manubela dito." Napatingin naman siya sa loob at nakita niya ang manubela sa pwesto na papasukan ko.
Tumayo naman ito ng tuwid at tumalikod. Natawa naman ako habang napa-iling. Mahina ko naman siyang tinulak papunta sa kabila at pinagbuksan ito ng pinto. Saka ako pumasok sa kabila.
Kinabit ko naman ang seatbelt ko at ganon din siya saka ko pinaandar ang kotse ko.
"Hindi ba kayo nag kotse ni Kuya Jonas kaya hindi mo alam na nasa kabila ang manubela?" I ask.
"I didn't notice it." Simple nitong sagot. Napatango nalang ako sa sinabi niya.
Ilang minuto na ang lumipas at tahimik kaming dalawa sa kotse, napag-isipan ko munang mag drive thru bago kami pumunta sa pupuntahan namin.
"What do you want to eat, Kate?" Tanong ko sakaniya ng huminto kami para umorder.
Hindi naman ito sumagot agad, nakatingin lang ito sa bintana.
"Kate?" I called her name but did not reply. Kaya naman ay kinalabit ko na ito at saka ito tumingin sakin na nagtatanong.
"Sabi ko ano gusto mong kainin?"
"Ah, kahit ano." Saad nito at muling bumalik sa pagtingin sa labas ng bintana.
Nagorder naman ako at muling tinignan si Kate. Siguro ito ang dahilan kung bakit hindi niya napansin na sa kabila ang manubela dito sa japan dahil wala ito sa sarili.
BINABASA MO ANG
Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]
Teen FictionDISCLAIMER My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.