29: MAKE HER REMEMBER

117 10 1
                                    




AUTHOR'S POV




"Papa, saan po ba tayo pupunta?" Tanong ni Kelsey habang naglalakad sila sa gitna ng mga puno-puno.




"Kelsey, dito nakatira dati ang nanay mo. Kasama niya dito noon ay ang Lola niya." Nakangiting kwento ni Austine sa kaniya.




"Talaga po? May bahay po dito?" She asked, curiously. Nakangiting tumango naman si Austine at tinuro ang bahay na nakatayo. Nilingon naman ito ni Kelsey at namangha sa kaniyang nakita.




"Nagka-sakit ang nanay mo kaya hindi siya nakauwi sa bahay. Inalagaan ni Kuya James mo."



"Ganon po ba? Bilisan na po natin Papa! Baka iniintay na po tayo ni Nanay." Nakangiting wika ni Kelsey, tumango naman si Austine at binilisan ang lakad.





"Mauna ka na sa loob Kelsey. Hanapin mo ang kwarto ng Nanay mo." Sabi ni Austine at binuksan ang pinto para sa kaniya..




"Sige po. Sunod na lang po kayo." Sabi nito at ginulo naman ni Austine ang buhok ni Kelsey bago ito tuluyang pumasok.





"Now.. Let me wait them too..." 




"Sino ka?"


Napangisi naman si Austine ng marinig ang tinig ng kaniyang kaibigan. Haharap na sana si Austine sa kanila ng kasahin ni Joshua ang hawak niyang Baril.



"Huwag kang magkakamaling gumalaw." Seryosong wika ni Josh habang nakatutok kay Austine ang baril.




"Ganiyan niyo ba dapat ako salabungin?" Natatawang wika ni Austine. Natigilan naman ang tatlo ng marinig nila ang tinig ni Austine.




Inangat naman ni Austine ang kaniyang mga kamay at unti-unting nilingon ang tatlo habang nakangiti.




"A-Austine..?" Sabay-sabay nilang banggit at naibaba ang mga armas.




"Masaya akong makita kay—ngh!" Hindi naman natapos ni Austine ang sasabihin niya ng sikmuraan siya ni Joshua.




"You damn piece of sh1t."  Seryosong wika ni Joshua. Tinapik naman ni Austine ang likod ni Joshua dahilan para tanggalin niya ang kamao niya sa sikmura nito.




Napahawak naman si Austine sa sikmura niya habang nakatingin sa tatlong seryosong nakatingin sa kaniya.




"Where have you been, Austine?" Malumanay na tanong ni Max.



"Ahh.. Just wandering around." Nakangiting sagot naman nito.



Sumubok muli si Joshua na sikmuraan ito ngunit nasalo na ni Austine ang kamao nito. "Bakit hindi muna tayo pumasok sa loob. I'll explain everything." Nakangiting wika ni Austine.





"Huwag mo nga kaming ngitian! Nababadtrip kami!" Sigaw naman ni Jonas na ikinatawa naman ni Austine.




"Gago talaga." Nakangiting umuuling wika ni Max.




~•••~




Umupo naman silang lahat sa sopa magsasalita na sana si Joshua nang magbukas ang pituan galing sa kwarto ni Kate dahilan upang lingunin nilang lahat ito.




Lumabas naman si Kelsey at napahinto nang makitang hindi lang si Austine ang nakaupo. Sinenyasan naman ni Austine si Kelsey na lumapit.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon