41: SHOW OFF

98 13 2
                                    






AUTHOR'S POV




Pagkalabas naman ni Christine sa kwarto na tutulugan ni Kate ay pumasok ito sa kwarto na tutulugan nilang tatlong babae.




"Oh, nagustuhan niya ba yung kwarto?" Bungad naman ni Hillary ng makitang pumasok si Christine sa kwarto.



"She said the room is fine.. Sana talaga may maalala na siya kahit maliit na bagay lang." Christine hopefuly said. Umupo naman ito sa isang kama.




"Makaka-alala si Kate. I did some research about Selective amnesia. Mababalik pa ang alaala niya kung susubukan niya." Hillary explained.




Nilingon naman ni Christine si Hillary na naglalabas ng gamit sa kaniyang bag.





"Hey, kung may pangalawang pagkakataon kang bumalik sa panahon kung saan inaway natin si Andrea. Anong gagawin mo?"




Napahinto naman si Hillary sa ginagawa niya at ngumiti tsaka muling nagpa-tuloy sa ginagawa.



"I hated myself the day I called her a criminal.. Masiyado akong nagalit sakaniya kaya ko nasabi yun but I'm just making an excuse. Noong malaman kong wala na siya nagsisi ako sa mga ginawa at sinabi ko. And now we have second chance to make it up to her. Right?" Nakangiting nilingon naman ni Hillary si Christine.



Ngumiti naman pabalik si Christine. "Yeah."



"Guys, have you seen my brand new lipstick?" Napalingon naman ang dalawa sa pumasok na si Vivian.




"Hindi, saan mo ba huling nilagay?" Wika ni Christine. Lumapit naman si Vivian sa bag nito at doon hinanap.




"Nasa make up pouch ko lang iyon nilalagay. Gosh, where did I put it? Kakabili ko lang nun eh."



"Just find it later. Baka makita mo lang sa tabi-tabi." Sabi ni Hillary.



"Nakita ko na!" Masayang wika ni Vivian at umupo sa kama.




"Wanna try it, Chris?" Sabi nito kay Christine at tinanggal ang takip ng lipstick at pinakita ang kulay pulang stick nito.




"Hindi na. Masiyadong mapula para sakin." Napakibit balikat na lang si Vivian at binalik na sakaniyang pouch.




~•••~



"Hey, you okay?" Lumapit naman si Ashlyn kay James sa veranda na nakatingin sa malayo.



"I'm fine.."



Taka namang tinitigan ni Ashlyn si James bago nilingon ang karagatan.




'Ano ba talaga ang nangyari?' Tanong ni Ashlyn sa kaniyang isip.




Magmula noong araw na sinabi ni Ashlyn kay James na huwag muna sila magkita ay lagi na itong sumusulpot sa bahay nila.



Tinatanong niya kung may nangyari ba pero wala itong sagot. Ngunit hindi naman naging mahirap kausap si James dahil nakakabiruan pa niya ito.




"Hay salamat! Pagod nako sa lahat ng pinapagawa ng prof sawakas makakapagpahinga din." Masiglang wika naman ni Paul.



"Nagugutom nako.." Wika ni Anjelo habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan.



"Sakto! Ipasok niyo na yan." Sigaw naman ni Cyruss. May bigla namang nagsipasukan na mga tao na may dala-dalang pagkain.



"Wooooaahhhh!" Silang lahat. Nagsilabasan naman ang mga tao sa kani-kanilang kwarto maliban kay Kate na nakatulog dahil sa pagsakit ng kaniyang ulo.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon