36: I LOVE YOU

121 9 2
                                    











JAMES POV


Ilang linggo na ang lumipas at ni isang beses ay hindi ko man lang nakita si Kate. Sinubukan kong pumunta sa KB hotel pero si Tito Austine lang ang naabutan ko doon.




'Iniiwasan niya kaya ako?'




Andito kami ngayon sa isang mansion kung saan nakatira ang isang designer. Pinapunta kaming dalawa dito ni Amirah para sukatan na.


Hinahanda ko na sarili ko dahil sa tingin ko ay pag gising ko bukas ay ikakasal nako. That old hag is pissing me off.



"James.." Napalingon naman ako kay Ashlyn na nakaupo sa tabi ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito, tumango naman ako bilang sagot.



"Alam mo bang pangarap ko talaga maging isang fashion designer.. Kaso hindi ako marunong magtahi o magdrawng man lang hahaha." Natatawa nitong wika habang nililibot ang paningin sa mansion.




"Namamangha ako masiyado kapag nakakakita ako ng magagandang damit." Nakangiti nitong sabi at nilingon ako.

"Ikaw? Chef ba talaga pangarap mo?"


"Yeah.."


"Bakit?"


Bahagya naman akong natawa at napangiti. "It's kinda silly why.. Gusto kong maging chef dahil meron akong gustong paglutuan araw-araw. Tulad mo hindi siya marunong magluto."


Hindi naman mawala ang ngiti ko sa naalala ko na puro prito ang ulam namin sa unit. Pero kahit na puro prito lang yun ay makasama lang siyang kumain ay hindi ko yun pagsasawaan.



"I see.." Rinig kong malumbay nitong wika. Pasimple ko naman siyang sinilip at nakita ko itong nakayuko.




Magsasalita na sana ako nang dumating na ang designer. May mga inexplain ito at pagtapos sinimulan na kaming sukatan.




"Maraming salamat, Mrs. Serano." Pagpapasalamat ni Ashlyn sa designer.



"It's my pleasure.. Magsasabi nalang ako sa secretary ni Madame Amirah to inform you guys."


"Okay, thanks." Nagpaalam naman kami sa isa't isa bago pumasok ng kotse.



"Ashlyn, may naririnig ka ba sa parents mo kung kailan nila gagawin ang kasal? Pakiramdam ko ay may pinaplano ang magulang mo at si Amirah." Pag open ko ng topic habang nagda-drive.




"I-I don't have any idea.. Sa tingin mo bibiglain nila tayo?"



"Mm.. I know Amirah. Kapag may isang bagay siyang gustong makuha ay minamadali niya ito wala siya pake kung pinagbabawal o ayaw ng isang tao." seryoso kong wika. Napahigpit naman ang hawak ko sa manubela.




"Wanna go somewhere?" tanong ko sakaniya.



"Gusto ko sana sa tahimik na lugar, gusto kong magpahangin.. Nai-istress ako sa school." Bumuntong hininga naman ito. Naisip ko naman ang lugar kung saan tahimik at mahangin.





"I'll take you there."





Hininto ko naman ang kotse ko at bumaba. "Anong gagawin natin dito?" tanong naman nito pagkababa. Lumapit naman ako sakaniya at hinila siya.




"Don't tell anyone about this place, okay?" Tumango naman ito at duon naman kami pumasok sa lugar kung saan papunta sa bahay nila Kate pero hindi ko siya doon dadalhin. May shortcut dito kung saan di mo madadaanan ang bahay nila, lumiko naman kami kung saan makikita ang tulay.



Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon