44: STRANDED

103 13 0
                                    



A/N: Yey! Update! Kumusta? :)





JAMES POV



Dahan-dahan ko namang inihiga si Kate sa buhangin. Mahina ko namang inalog si Kate upang gisingin ito.




"Kate... Kate.."

Unti-unti naman itong dumilat at nilibot ang mata sa langit. Dahan-dahan naman itong umupo.




"Where... where am I?"


"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Tanong ni James, nilingon naman ito ni Kate.




Hindi naman siya agad sumagot at nanlaki ang mga mata nito.




"Si manong!? Anong nangyari sa kaniya?" Nagaalalang tanong at sinubukang tumayo.




"Kate huwag ka muna-"



"A-Ahh!" She groans in pain. Dahan-dahan ko naman siyang iniupo. Napahawak naman siya sa binti at tinignan ko naman iyon.



Medyo malalim ang hiwa nito sa binti kaya naman malakas din ang pag-agos ng kaniyang dugo sa binti.



Agad ko naman hinubad ang longsleeve ko na manipis at kasunod nun ay ang white sando ko. Pinunit ko naman ang longsleeve ko at ibinalot ito sa binti ni Kate.



"Si Manong Narcis... N-Nakita mo ba siya?"



Natigilan naman ako ng makita ang mga mata ni Kate na punong-puno ng pag-aalala. Ganitong-ganito ang mga mata niya noong mailigtas niya si Kelsey.




"Nakita mo ba siya?" Ulit nito pero umiling ako bilang sagot.



Naging mabigat naman ang paghinga nito at nagumpisa nanamang libutin ang paligid gamit ang mata.



"Kailangan ko siyang makita.. Baka andito lang siya." Wika nito at sinubukang tumayo. Inalalayan ko naman ito.



"Kate, kailangan mo munang umupo. Mas lalong dudugo ang binti mo kung patuloy ka sa paglalakad."




"Kailangan kong makasiguradong ligtas si Manong Narcis!" Pagpupumilit nito at tinaboy ako.



"Manong!!" Sigaw nito at nagumpisa na muling maglakad ngunit hindi pa siya nakakadalawang hakbang ay napaupo na ito.




"I told you to not move." Sabi ko at nilapitan siya pero hindi niya ako hinayaang hawakan siya.



"Huwag mo akong hawakan." Sabi nito at muling tumayo.




Napapikit naman ako ng mariin tsaka tumayo at hinarangan ang daan niya.




"Pwede ba Kate.. for once, makinig ka muna sakin?"



"Umalis ka. Kailangan kong mahanap si Manong Narcis." Pagmamatigas nito at lalagpasan sana ako ng muli ko nanaman itong hinarangan.




"Tumabi ka sabi." Hindi ko naman siya pinakinggan.




"Pwede ba isipin mo muna ang sarili mo. Tsaka natin siya hanapi-"



"Kailan? Kapag huli na ang lahat? No, I'm going to find him." Sabi nito at nilampasan ako..


Muli nanaman ako napapikit ng mariin sa sobrang pagubos niya ng pasensiya ko.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon