JAMES POV
"Are you ready? Nakausap ko na si Miss Kaye at bukas na kayo maguumpisa.." Bungad sa akin ni Amirah ng makapasok ako ng office.
"I guess.." Walang gana kong wika. Pinasok ko naman ang dalawa kong kamay sa bulsa.
"I warned you, James. Ipahiya mo lang ak—"
"I know, I know. What can I do? Pero gusto kong isama si Ashlyn."
Tila nasiyahan naman sa narinig si Amirah sa aking kagustuhan. Sumandal naman si Amirah sa upuan niya.
"Sure. She can come.."
Napangisi naman ako tsaka lumabas na ng office.
'Ganiyan nga..'
Nag drive naman ako papunta sa school na pinapasukan ni Ashlyn. Mas maaga ang uwi ko kesa sa kanya kaya naman malaya akong gumala.
Pagbaba ko naman ng kotse ay naaninag ko naman ang isang itim na kotse at nakita ko si Kate na nakasandal sa sarili niya kotse.
Napangiti naman ako at lumapit sa pwesto niya. Agad naman niya akong napansin pero wala pa din pagbabago ang kaniyang expression.
"We meet again, Kate." Nakangiti kong wika. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan sa pakiramdam na tawagin ko siya sa pangalan niya.
Tinanggal naman niya ang shades niya at duon ako napatingin mula ulo hanggang paa niya. She's wearing solid ripped crop & top skirt
(Here's some image of her outfit)
"What now?" Napa-angat naman ang tingin ko sa kanya. Napangisi naman ito.
"Gusto lang kitang makita." nakangiti kong sabi sa kanya. Humalukipkip naman ito.
"Andito ka ba para pilitin na ako si Andrea?" Sabi nito at nilapitan ako at hinawakan ang neck tie ko.. Napangiti naman ako sa ginagawa..
'Kate like to seduce people.. I see.'
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko, gamit ang isang braso ay pinaikot ko ito sa kaniyang beywang at hinatak ko siya padikit sakin. Nakita ko naman ang pagkagulat nito na ikinangiti ko pa ng malaki.
"Ako yung tipong hindi nagpapatumpik-tumpik kapag inakit mo." Nakangisi kong wika sa kanya. Hindi naman siya nagpatalo at ngumisi din.
"What can I say? That's my charm."
Mas lalo ko naman inilapit ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang paghinga niya at tila nauubusan ako ng hininga at makakakuha lang ako ng oxygen sa kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]
Teen FictionDISCLAIMER My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.