33: TCH..

120 8 0
                                    



JAMES POV









Isang linggo na ang lumipas at hindi muna ako nagabalang magpakita sa kaniya, mas lalo din akong naging busy sa pagaaral together with Christine.



Lagi kami ang magpartner sa pagluluto at sa iba pang activity, i always choose her to be my partner 'cause I don't want to get near with strangers. Si Christine lang naman ang kilala ko.






"Hoy! James! Ano ba yan!? Nagsayang ka lang ng icing." Bigla naman akong bumalik sa reyalidad ng marinig ko ang napakalas na boses ni Christine.





Andito ako ngayon sa kanila at siya na naman ang nagtuturo sa akin dahil baking kami ngayon. Nakita ko naman na kinuha niya ang cake at inalis ang icing na nilagay ko.





"Wala ka sa pokus ngayon, James. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Christine at kinuha ang icing na hawak ko at siya na ang gumawa.





"Kate yan malamang.." Sabat naman ni Karl habang nakatutok sa kaniyang phone. Napabuntong hininga naman ako.






"I don't know, she's just being stubborn even to his own father." Sabi ko at napaupo na lang sa counter.




"You can't blame her.." Muling sabi ni Karl pero nakatingin na siya sa akin.





"Huwag ka nga magpatalo sa ugali niya. Remember Tito Austine want us to make her remember everything." Sabat naman ni Christine habang nakatuon pa din sa kaniyang ginagawa.





"She's right.. Her words just came to her mouth but not to her heart. So, chin up.." Napakunot naman ako sa sinabi ni Karl. Ang lalim niya lang kasi magsalita.





"Saan mo naman napulot yan?" Tanong ko, ngunit hindi niya ako nilingon.




"In romantic movies.. Kapag kasama mo yan, walang araw na hindi kayo manonood ng movie." Sabi nito na parang nagrereklamo pa.





"Oh, ano James? Uupo ka na lang ba diyan? Wala ka naman atang naintindihan sa mga tinuro ko e." Nilingon ko naman si Christine at nakapamewang na ito.



Bumaba naman ako sa counter at bumalik sa pwesto. "Ang panget mo kasing magturo." Biro ko sa kaniya.




"Wow ha! Edi sana ikaw na lang nagturo ano?" She said, sarcastically.. Naapailing na lang ako sa lakas ng boses niya.





~•••~





Pumunta naman ako sa school ni Ashlyn para ipatikim sa kaniya ang gawa namin. Sigurado akong matutuwa nanaman iyon na parang bata.




Nang makapag-parada ako sa labas ng school nila ay nakita ko ang magarang kotse ni Kate at nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya.





'Inaantay niya siguro si Kelsey. .'





Lalapitan ko na sana siya ng may maisip ako.. Napangisi naman ako sa naisip ko bago lumapit sa pwesto ni Kate kung saan makikita agad ako ni Ashlyn.





Naramdaman ko namang lumingon sa akin si Kate ngunit hindi ko ito nilingon, deretso lang ang aking paningin sa loob ng campus.





"Hoy—"



"James!" Hindi naman naituloy ang sasabihin ni Kate ng masaya akong tawagin ni Ashlyn at patakbong lumapit sakin.






"Napa-aga ka yata?" Takang tanong nito sa akin. "Maaga kasi kaming natapos ni Christine kaya dumeretso na agad ako dito." Malumanay kong wika. Napatango naman siya kaya naman ay inangat ko ang hawak kong paper bag.






Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon