13: BLACKMAIL

149 9 1
                                    

A/N: Ofcourse may POV din siya. Pero konti lang.



ASHLYN'S POV


"Gusto Kong matuloy ang kasal." Sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko..

"What?" Kunot noo kong tanong dahil baka bawiin niya ang sinabi niya dahil kung hindi baka ipalapa ko siya sa mga lion!


"Gusto kong matuloy ang kasal natin." Ulit nito, hindi naman akong makapaniwala sa narinig ko at nagmadaling bumaba sa kotse.


Papasok na sana ako sa gate namin ng harangan niya ako.

"Umalis ka sa daanan ko." Inis kong sabi at lalagpasan sana siya ng muli nanaman niyang harangin ang daan ko.


"Ashlyn, please. May gusto lang akong malaman."
Sabi nito.


"Pero bakit kailangan pa natin ituloy ang kasal!?" Inis kong sigaw sa kanya.

No! Ayoko! Isang tao lang ang pakakasalan ko at yun ay si Carter.

"Dahil yun lang ang paraan para malaman ko ang balak ni Amirah." Sabi nito. Tinitigan ko naman siya sa mga mata niya at desperado itong malaman ang balak ng lola niya.


Napapikit naman ako ng mariin at muli siyang tinignan. "Sorry, I can't." Papasok na sana ako ng makita ang kotse ni Daddy. Pumarada naman ito sa gilid at nakita ko si Daddy na bumaba sa kotse.


"James?" Banggit ng pangalan nito at lumapit sa amin.

"Magandang gabi po." Bati naman sa nito kay Daddy, niyakap naman ni Daddy si James.


"Napadaan ka?" Nakangiting sambit ni Daddy, napatingin naman sa akin si James at ngumisi bago muling nilingon si Daddy.


What the heck was that for?


"Hinatid ko lang po si Ash." sabi nito na ikinanganga ko. A-Anong tinawag niya sakin? Ibang klase ang kapal ng mukha niyang tawagin niya akong 'Ash'

"Ahahahaha! Ganon na ba kayo ka-close at hinayaan ka ng anak kong tawagin mo siyang Ash?" Masayang sabi ni Daddy at tinapik-tapik pa ang braso.

"Halika, pumasok ka. Kumain tayo!" Masayang sabi pa ni Daddy, inakbayan ni Daddy si James. Papasok na sana sila nang harangin ko ang daan.


"May problema ba, anak ko?" Takang tanong ko. Napatingin naman ako kay James na nakangisi pa din hanggang ngayon.

"A-Ahh, Dad gabi na po kasi baka po hinah—"

"Ayos lang, hindi naman sila magagalit." Putol sakin ni James na ikinalaki ng ngiti ni Daddy.

"Oh, yun naman pala eh!" sabi ni Daddy at nilampasan ako. Pinagmasdan konaman silang pumasok sa bahay.


"UGGGHH!" Padabog naman akong pumasok sa bahay.


~•••~


"Kung ganon aksidenteng nagkita kayo sa mall kanina?" Tanong ni Mommy.


Andito naman kami sa Dining area dahil inaya nilang kumain si James.

"Yes, po. Baka nga po pinagtagpo talaga kami ni tadhana." Nakangiti nitong sabi, napangiwi naman ako sa sinabi niya.


'Anong pinagsasabi niya!? Hindi ko alam na may pagka korni pala ang isang 'to!?''


Kinilig naman si Mommy sa sinabi ni James habang napangiti naman si Daddy. Ako naman ay kanina pa nakalukot ang noo dahil sa pinag-gagawa ng lalaking 'to.



Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon