42: PANIC ATTACK

117 15 3
                                    













AUTHOR'S POV





Hindi naman maiwasan ni James ang tignan si Kate. Napapalunok ito dahil sa ganda ng korte at kutis ng kaniyang katawan at ang kaniyang kagandahan




"Mukhang may nalulunod na." Bulong ni Kairo kay James. Walang gana namang nilingon ni James si Kairo.




"Oh! Tara na't magsaya!" Sigaw ni Roi. Masaya naman silang nagsisiliguan habang ang iba naman ay naglalaro nf volleyball.




Umahon naman si Kate sa di kalaliman ng dagat at uupo sana ng hilain ito ni Kairo.




"Tara sumali ka dito." Nakangiting wika ni Kairo habang hinihila si Kate papunta sa mga naglalaro.



"Ayoko, hindi ako marunong."




"Ako din naman eh.. tara na." Pilit pa din ni Kairo dito kaya naman ay wala ng nagawa ito at nagpahila na lang.





"Guys! Sali kami!" Sigaw ni Kairo na agad naman silang pumayad.





Kairo
Kate
Samuel
Hillary

v.s

Felix
Jeric
Adam
Christine





Tinira naman ni Felix ang bola papunta sa net nila Kate at ang unang nag receive nun ay si Hillary na ipinasa kay Kairo na sinet ang bola kay Samuel tsaka ito nag spike.



Wala naman nakakuha ng bola kaya naman ay punto kina Kate. Samuel serve the ball. Nagpasahan naman ng bola sa kabila hanggang sa ibalik sa net nila Kate.




Ni-receive naman ni Hillary ang bola papunta kay Kairo at sinet ito papunta kay Kate.




"Kate!" Senyales naman ni Kairo na sakaniya ito ipapasa. Nagulat naman si Kate dahil hindi niya ito inaasahan at dahil sa gulat hindi niya aakalaing magre-react ang katawan niya.




Bumwelo ito bago tumalon ng mataas at pinalo ang bola sa kabilang net, sinubukan itong habulin ni Jeric ngunit masiyado itong mabilis.




"Whooooaaaa!" Sabik na sigaw nila sa gulat. Napatingin naman si Kate sa kamay niya na ginamit niya sa pagpalo sa bola.





'Whoa, my body reacts on its own.' Hindi makapaniwala nitong sabi sa sarili.





"Cool! Hanggang ngayon magaling ka pa din pag dating sa bola!" Manghang wika ni Felix sa kabilang net.




"Syempre, maaring makalimutan niya pero ang katawan ay hindi." Kairo said while smiling.



"Tuloy ang laro! Di kami magpapatalo!" Sigaw naman ni Jeric. Binato naman ni Adam ng bola si Jeric sa ulo.


"Aray!!! Gagong yatot 'to!" Inis na sabi nito kay Adam.



"Hindi mo lang nahabol bola. Napahiya ka lang hahaha!" Asar nito dito.



"Buhangin kasi! Kaya hindi ako makatakbo ng mabilis!"


"Ulol mo! Rarason ka pa!"




"Isa pa! Makikita mo payatot na hindi kayang buhatin ang sariling bagahe! I'm gonna block her." Jeric confidently said.




Muli namang nag set ng bola si Kairo kay Kate at nang hahampasin na niya ang bola ay tumalon nang napakataas si Jeric dahilan para walang makitang daanan si Kate para sa bola ngunit hinampas niya pa din ito.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon