08: HALLUCINATION

158 14 3
                                    




JAMES POV

"Andrea." Tawag ko sa kanya.

Hindi ako makapaniwala.. Nanaginip nanaman ba ako?

She's really here.. She's infront of me!

Nakatitig lang kami sa isa't isa at hindi makapagsalita. Tila naubusan ata ako ng boses at hindi alam ang sasabihin. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko rinig na rinig ko ito.

"Ikaw na nga itong muntikan makabangga tapos ganyan ka pa magsalita." Rinig kong sabi ni Ashlyn. Inalis naman ni Andrea ang kanyang paningin sa akin at napunta iyon sa katabi ko. Habang ako ay hindi inalis sa kanya ang paningin.

Napatingin naman ako sa suot niya and she look so fvcking stunning. She's wearing a black fitted dress.

"It is not my fault kung nakaharang sila sa kalsada." She coldly said. Muli naman umangat ang paningin ko sa kanya na nakatingin na sa akin.

Her eyes.. It was as if I were looking into lifeless eyes. I can't see any sparks or feelings..  Its all blank.

"Woah! Niligtas niya lang naman yung batang muntikan ng mabangga ng motor."

"Kung ganon ay hindi ko nga kasalanan." Sabi nito at nilagpasan kami para makalapit sa kotse niya.

"Oh, you are not going anywhere." Sabi ni Ashlyn at hinawakan si Andrea sa balikat.

'Fvck! Where did my tongue go!?'

Masama naman ang naging tingin ni Andrea at hinarap ng tuluyan si Ashlyn kaya naman pumagitna na ako.

Nakaharap ako kay Andrea at sobrang lapit namin sa isa't isa. Nakatitig lang siya sa akin at ganun din ako.

'Her scent..'

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at niyakap siya ng napakahigpit.

"I-I thought I lost you!" Naluluha kong sabi. Imbis na yakapin niya ako pabalik ay tinulak niya ako na ikinagulat ko.

"Didn't I tell you? Touch me, you'll be dead." Madiin na sabi nito. Napakunot naman ang noo ko sa taka.

"Andrea.. It's me." I said, confused. Napa -angat naman ang isang kilay nito sa pagtataka.

"Who?"

"Andrea, you better not fvcking play with me." Sabi ko at susubukan siyang hawakan ngunit umatras ito.

"I'm not a kid to play around.." She said, still cold as fvck.


'Is she pretending not to know me!?'

Binuksan niya ang pintuan ng kotse pero sinara naman agad ito ni Ashlyn.

"I said you are not going anywhere." Seryosong sabi nito. Hindi naman makapaniwalang ngumiti si Andrea.

"You know what, Kapag hindi ko naabutan ang gagong iyon may madadamay. You here me!?" She said, irritated.

"Alam kong gumagawa ka lang ng kwento para makatakas ka." Mahinang sabi ni Ashlyn. Nakita ko naman ang pag ngisi ni Andrea.

Kakaiba.. Bigla na lang ako kinilabutan sa pag ngisi niya.

*BEEEEPP BEEEEPPP!*

"WAG KAYONG HUMARANG SA DAAN OY!" sigaw at busina ng mga taong nasa likuran namin habang ang iba naman ay sa gilid nalang dumadaan. Ngunit hindi namin ito binigyan ng pansin.



Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon