23: SHE REMEMBER HIM!?

162 18 6
                                    



AUTHOR'S POV




"Hon, may magpapakain daw sa orphanage na pinupuntahan natin kada buwan. Gusto kong pumunta." Nakangiting wika ni Jackie kay Josh habang naghahain ng pagkain.



"Really? Sige ba, isama natin ang Baby Eliza!" Masayang sabi ni Josh habang buhat-buhat ang kanyang anak na si Elizabella.


Napangiti naman si Jackie ng makitang ngumiti ang kaniyang anak kay Joshua. Lumapit naman si Jackie saka hinalikan si Joshua sa pisngi na ikinalingon naman ni Josh.


"Woah, whats with the kiss?" Nakangiting wika ni Josh sa kanya.


"Wala lang.. Nagpapasalamat pa din ako na tinanggap mo kami ng anak ko." Naluluhang wika ni Jackie. Tumayo naman si Joshua at niyakap ang kaniyang asawa.



"Ako dapat ang nagsasabi niyan.. Minahal mo ako ng buong puso at sayo ko lang naramdaman yon sa kabila ng lahat ng mga babaeng minahal ko.." Nakangiting sabi ni Josh at hinalikan sa ulo si Jackie.



"At siyempre! Binigyan mo pa ako ng anak! Kahit hindi ako ang tunay niyang ama, gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Gagawin ko ang mga hindi magawa ni Kumpadreng Philip." Sabi nito at inangat ang bata na ikinatawa naman ni Eliza.



"Pero.. Mas malaki ang pasasalamat ko kay Andrea. Kundi dahil sa kanya, hindi ako makakawala sa rehas at hindi kita makikilala." Nakangiting malungkot ni Jackie.


"Hey, Honey. Masaya na kung nasan man siya ngayon." Sabi ni Joshua.


Inangatan naman ng kilay ni Jackie si Joshua. "Pagbigyan mo naman akong magdrama! Ikaw nga ang laging nagdadrama diyan dahil hindi mo matangg-hhhmmm!"



Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya ng halikan siya ni Joshua. Namula naman ang mukha ni Jackie ng maghiwalay ang kanilang mga labi.



"Huwag mo ng ipaalala, daig ko pa nga ang babae kung umiyak non eh." Reklamo ni Joshua na ikinatawa naman ni Jackie dahil kitang-kita niya kung paano siya nagluksa nung mga panahon na nawala si Andrea.



Siya ang laging nasa tabi niya at lagi siyang inaabutan ng pagkain at tubig.



"Lets eat, para maabutan pa natin an mga anghel na magpapakain sa mga bata." Birong sabi pa ni joshua at umupo na sa upuan habang naka-kandong si Eliza sa kanya.



~•••~



"Jackie! Joshua! Mabuti at nakadalo kayo!" Masayang sabi ng isang babaeng sumalubong sa kanila ng yakap.



"Gusto po namin tumulong sa taong nagpapamigay ng mga pagkain at gamit." Nakangiting wika ni Jackie.


Napalingon naman ang babae sa batang buhat-buhat ni Joshua.


"Siya na ba si Elizabella? Ang gandang bata nako!" Natutuwang sabi nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ng bata.



"Sister Van, sino nga po pala ang tumulong sa inyo?"


"Ahh.. Si Miss Kaye, nako kay buting dalaga. Balita ko pa nga na siya ang naghahawak sa sikat na hotel ngayon eh. Yun bang KB Hotel." Kwento ni Sister Van sakanila.


Napakunot naman ang noo ni Joshua. "KB Hotel?" Bulong nito sa sarili.


"Nako halika na kayo medyo na late na kayo dahil kumakain na ang mga bata. Halika kayo ipapakilala ko kayo sa kanila." Sabi nito at naglakad na papasok sa loob na sinundan naman ng dalawa.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon