45: ONE OF THEM

120 9 1
                                    



KATE'S POV


Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang napakaliwanag na ilaw at puting kisame. Nilibot ko naman ang paningin ko kahit na ang labo pa ng mga ito at kita ko naman ang isang ulo na nakayuko sa gilid ko.



Doon ko naman napag-pasiyahan na umupo. Medyo nahirapan pa ako dahil sa bigat ng katawan ko ngayon. Naramdaman ko namang gumalaw ang katabi ko.




"You awake. Kumusta?  May masakit pa ba sayo?" Nag-aalalang wika ni Papa. "Papa.." Malumbay kong wika. Hinawakan naman niya ang kamay ko. Hindi pa tumatagal na gising ako nag breakdown nanaman ako.




Alam kong magiging ganito ako dahil walang araw na gigising ako na walang luha na babagsak sa mga mata ko. Gustuhin ko man itago kay papa ay hindi ko mapigilan.



"Bakit? May masakit pa ba sayo? Sabihin mo lang sakin.." Imbes na sumagot ako ay uminit ang mga mata ko saka bumagsak ang mga luha ko.



Bakit mas naging mahirap para sa akin na palayuin siya sa akin? Bakit mas lalong sumakit? Bakit ba nangyayarii ito sa akin? Hindi ko alam ang gagawin ko! Mababaliw na ako sa nararamdaman ko.  Pakiusap tama na.. Ayoko ko na..



Naramdaman ko naman na niyakap ako ni Papa dahilan para mas lalo akong bumigay.


"If you wanna stop just let me know. Okay? Ako na ang bahala para protektahan kayo ni Kelsey." Malambing nitong wika na nakapagkumbaba sa akin kahit papaano. Naramdaman ko naman na hinalikan niya ako sa pinakatuktuok ng ulo ko.





~...~


May dumating naman na police sa kwarto at tinanong ako sa nangyari. Kaunti lang ang naisagot ko dahil bigla na lang ako hinatak ni James.



May naalala naman ako bigla. "Uhm.. Excuse me?" Singit ko sa paguusap nila ni papa. "Sino po yung dumating para iligtas kami?"




"Kasamahan niyo sa bangka, Si Narcis Orlando."




Halos mapatayo naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Manong Narcis.



"Kumusta po siya? Ayos lang po ba siya?"



"Ma'am actually po nasa labas po siya ngayon nagaantay ng pagkakataon na makausap ka."


Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig kong balita kay Manong Narcis.




"Kung gusto mo ay tawagin ko siya?" Napalingon naman ako kay papa na nakangiti. Tumango naman ako bilang sagot. Sabay naman lumabas ang mga pulis kay papa sa kwarto ko.




*tok* *tok*


Napalingon naman ako sa pintuan ng may marinig na kumatok. Bumukas naman ito at dahan-dahang pumasok si Manong Narcis na may bandage sa gilid ng noo.




"Manong Narcis.." I said in relief. Nakita ko naman itong ngumiti sa akin at lumapit ng kaunti sa kamang hinihigaan ko.



"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong nito at sinilip ang binti ko.




"Maayos naman po, hindi naman siya ganon kalalim."



"Mabuti naman kung ganon.. Pasensiya ka na kung may pagsabog pang nangyari sa sinasakyan mo."




"Po? Hindi ni-"



"Responsibilidad ko ang kaligtasaan ng mga pasahero ko. Wala akong life vest na maibigay sa inyo noong isakay ko kayo sa bangka ko." Malumbay nitong wika at yumuko pa.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon