21: BAR

108 10 1
                                    


A/N : guys teka Lang naman Ahahahaha wait niyolang POV ni Kate lapit na pramis! Mwuah

AUTHOR'S POV

Kanina pa nagiingat na maglakad si Aiyana para hindi siya mapansin ng taong sinusundan niya. Muli nanaman niya kasing nakita ang kamukha ni Andrea at gusto niya itong kumpirmahin.

Nung makita niyang lumiko ng daan ang kamukha ni Andrea ay nagsimula na ulit itong mag lakad. Nung liliko na siya ay..

"Aahh!" Napaupo ito sa gulat ng makitang inaabangan siya ng kamukha ni Andrea.

Tumayo naman ito at pinagpagan ang pwetan.
Walang emosyon namang nakatitig ang kamukha ni Andrea kay Aiyana na kinakabahan na.

"Why are you following me?" Taas kilay namang tanong nito. Napakamot naman ng ulo si Aiyana at di makatingin ng deretso sa mga mata nito.

"A-Ah ano kasi.. H-Hindi niyo po ba ako natatandaan?" Nauutal na tanong ni Aiyana sa kanya.

"Ngayon pa lang kita nakita.." Walang gana nitong sabi. Nagtataka naman si Aiyana kung bakit hindi siya matandaan ng Ate Andrea niya.

"A-Ako si Aiyana.. Kapatid ni James Morales. H-Hindi niyo po ba talaga ako natatandaan?"

"Like I said, ngayon pa lang kita nakita." Walang emosyon nitong wika. Hindi naman mapigilan ni Aiyana na hindi umiyak.

"Bakit po ba ang sungit ninyo!? Huwaaaa! Hindi naman kayo ganiyan kasungit sakin!" Hagulhol nitong sabi na ikinabigla naman nito.

"Nakakatakot at ang lamig niyo pong magsalita! Huwaaaaa!"

Napabuntong hininga naman si Kate..

~•••~

Habang kumakain ng ice cream ay panay hikbi pa din ang dalaga na si Aiyana.

"Tumahan ka na diyan. Para kang bata." Walang ganang wika nito kay Aiyana. Nilingon naman ni Aiyana si Kate.

"Talaga po bang hindi po kayo si Ate Andrea?"

Napabuntong hininga naman si Kate. "Hindi nga ako ang sinasabi mong Andrea." Walang gana pa din nitong wika.

"Eh, bakit kamukhang-kamukha mo siya?" Pagpupumilit pa din ni Aiyana. Nagkibit-balikat na lang si Kate sa sinasabi ni Aiyana.

"Sigurado akong magugulat si Kuya kapag nakita ka niya.. Kasi kamukhang-kamukha mo talaga siya." Sabi nito at sumubo ng ice cream.

"Bilisan mo diyan." Utos ni Kate sa kanya. Inilapag naman ni Aiyana sa lamesa ng baso ng ice cream niya.

"Tandang-tanda ko po nung 14years old ako, pinatahimik din ako ni Ate Andrea dahil sa Ice cream." Nakangiting malungkot nitong wika habang nakatingin sa ice cream. Inangat niya naman ang tingin niya kay kate na nananitiling walang emosyon.

"Paano mo po nalaman na ito ang makakapagpatahimik akin?"

"Dahil para kang bata at ang bata katapat lang ay ang Ice cream."

'Sobrang lamig ng pakikitungo niya. Mukhang hindi nga siya si Ate Andrea..'


"Ano nga po pala pangalan ninyo?" Tanong ni Aiyana.

"Kate." Tipid nitong sagot. Napatango naman si Aiyana at inubos na ang Ice cream.

~•••~

Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon