37: WHO'S THAT GUY?

124 13 3
                                    

A/N : Musta? :)




KATE'S POV







"I Love you."




Napailing naman ako ng matindi ng maalala ang salitang iyon. Buwan na ang nakalipas at hanggang ngayon hindi pa din maalis sa isip ko ang mukha niya noong sinabi niya ang mga salitang iyon.



Iniisip ko kung bakit niya sinabi sa akin yon bago umalis. Naiinis na ako mas lalo niya akong iniinis.


"I Love you."



"Fvck!" Sigaw ko.



"Kate!" Bigla naman ako napatingin sa sumigaw ng pangalan ko at nakita ko si Papa na masama ang tingin sa akin habang hawak-hawak niya ang magkabilang tainga ni Kelsey.




"Huwag ka ngang magmura sa harap ni Kelsey." Suway nito sa akin tinignan ko naman si Kelsey na nakatingin sa akin na nagtataka habang ngumunguya.




Nagpakawala naman ako ng hangin. "Sorry.." Nahihiya kong sabi at duon naman inalis ni Papa ang kamay nito sa mga tainga ni Kelsey.



"Ano pong meron?" Inosenteng tanong ni Kelsey. "Nothing, here eat this." sabi ni papa habang sinandukan ito ng hotdog.




"May problema ba? Nakaraan ka pa nagkaka ganiyan." Kunot noo nitong sabi at humigop sa kape.



"What's bothering you?"



"It's not important, actually." Sabi ko at tumingin sa plato ko.



"Not important? Pero ilang araw ka ng nagkaka-ganiyan."



"It's really nothing papa."



"If you say so. Tandaan mo, oras na may malaman nanaman akong hindi mo sinasabi sa akin, makakatikim ka na sakin." Seryoso nitong sabi napakamot naman ako sa ulo ko ng maalala na nalaman niya ang tungkol kay Stanley.



"I don't want you to get involve in Stanley's life. Mabuti siyang bata pero ibang usapan na ang kinakalaban niyang mafia. Mas malala iyon kumpara kay Eugene."




"Naiintindihan ko papa, ilang araw na kami hindi nagkikita tsaka tinatawagan lang naman niya ako kapag kailangan niya ng tulong ko." Paliwanag ko. Hindi lang naman sa pakikipagbakbakan ko siya tinutulunga. Sa babae.



Tch, walang alam sa babae.




"Osiya, bilisan mo na diyan at mala-late si Kelsey sa school."




~•••~



Hinatid ko naman si Kelsey sa tapat na mismo ng room niya dahil hindi pa din mawala sa akin ang kaba kaya mas maganda na ang mag-ingat.



"Kelsey.. Gusto kong magintay ka muna sa loob ng room habang wala pa ako o si Papa Austine. Sinabihan ko na ang teacher mo na samahan ka."



"Bakit po Nanay?"



Bahagya naman akong umupo upang mapantayan ito at inipit ang buhok niya sa tainga niya.


"Listen. Masiyado ng delikado ngayon and I want you to stay safe. Please huwag mo akong suwayin."



Ngumiti naman si Kelsey at niyakap ako. "I peomise, Nanay!" Napangiti naman ako at niyakap ito pabalik.



"I love you."


"I love you din po!"


Kumaway naman sa akin si Kelsey bago ito pumasok sa kaniyang classroom.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon