19: FRUSTRATED

146 15 3
                                    


JAMES POV






"James! Thank goodness your okay!" Salubong sa akin ni Aunt ng makapasok ako ng bahay. Niyakap naman niya ako.



"Nagaalala ako ng sobra! Baka pinatulan mo ang mga iyon!" Nagaalala pa din nitong sabi at humiwalay na sa pagkakayakap. Lumapit naman sa akin si Aiyana.



"Hindi ka naman po nasugatan hindi po ba?" Mahina ngunit nagaalala din nitong wika. Hinawakan naman ni tita ang braso ko.



"Oo nga! Baka naman tinatago mo lang sugat mo!?" Sabi nito at iaangat naman ni tita ang sleeves ko, sa sobrang taranta ay binawi ko agad ito na ikinagulat ng dalawa.



"A-Ayos lang ako, Tita. Huwag na po kayong magaalala." Ngiting pilit kong wika. Nakumbinsi ko naman sila.



"Oh, sige. Magpahinga at maligo ka na. Maya-maya kakain na tayo. Okay?" Wika nito tumango na lang ako bago kami iwan ni Aiyana.




"Kuya James. Ayos ka lang ba? Nasaktan ka po ba talaga kanina?" Sabi ni Aiyana.



"Ayos nga lang ako sabi.. Huwag ka ng magalala diyan." Pangungumbinsi ko sakanya at ginulo ang buhok niya.




"Nga pala Kuya. May sasabihin po ako sainyo mamaya, sikret lang po natin ha." Sabi nito na ikinanuot ng noo ko.



Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hoy, may boyfriend ka na ba?" Seryoso kong sabi. Nanlaki naman ang mga mata nito sa gulat at natawa.



"Wala kuya! Hindi po ba nangako ako na pag 20 nako magbo-boyfriend. Tinutupad ko yun 'no!" Naatawa pa din nitong wika.



"You better be! Malalagot ka sakin kung meron ka na agad!" Sabi ko at humakbang na paakyat ng hagdan.



"Good girl kaya ako!" Pahabol nitong sabi bago ako makapasokng kwarto.






~•••~


Pagtapos maligo at kumain ay ginawa ko naman ang mga gawain ko sa HU hindi ko na kasi pinapabukas ang mga gawain na ito dahil ayoko naman matambakan ng gawain. Kung noon kasi hinahayaan ko na lang sa table ko ang mga gawain sa HU o kaya naman sa mismong pasahan ko ito ginagawa.



Ngayon ko lang napagtanto na mas nakakaginhawa ang tinatapos agad ang gawain para wala ka ng iisipin pa.




Pagtapos ko gawin ang mga ito ay napasandal ako sa upuan ko yung tipong nakatingala na ako.




"Pull the fvcking trigger."




Bigla ko naman narinig ang boses niyang napakalamig. Naalala ko din ang mga mata niyang walang emosyon, ang mga ngising nakakakilabot.


Napabuntong hininga naman ako at umayos ng upo. Napatingin naman ako sa drawer ko kaya hinatak ko ito at bumungad sakin ang sketch pad ni Christine. Kinuha ko ito at muling binuklat kung saan ako natapos.


Nakita ko naman si Andrea na masayang masaya habang hawak-hawak ang isang game controller. Habang may maliit na nakadrawing sa gilid niya na unggoy ang mukha na panigurado kami iyon.





'Bilib na bilib ako sayo nung matalo mo ang dalawang unggoy sa NBA. Ang saya mong tignan nung mga panahon na ito kaya naman iginuhit ko ang mukha mo. Mas malinaw ang pagkakatanda ko sa mukha mo nung matalo mo sila. Tignan mo ang dalawa nung matalo parang gusto na lang kumain ng saging eh! Hahahahah!'




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon