27: STAY

134 13 0
                                    

A/N: Try ko mag-UD laterrr oke? ;)






KATE'S POV




"Apo! Gumising ka na sabi! Tatamad-tamad ka nanaman bumangon!"



Napabangon naman ako agad, bigla naman akong napahawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang kirot nito.



"Buti naman at gising ka na."



Nilingon ko naman si James na kakapasok lang at may hawak-hawak na maliit na planggana.  Inilapag niya iyon sa gilid ko tsaka siya umupo sa gilid ng kama.



"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito imbes na sagutin siya ay tatayo sana ako sa kabilang gilid ngunit nahila niya agad ako sa braso ko pabalik sa pwesto ko.



Inis ko naman siyang nilingon. "Where are you going?" Binawi ko naman ang braso ko tsaka ako tumayo.



"I'm going home." Walang gana kong sabi habang isa-isa kong kinuha ang gamit ko. Lumapit naman siya sakin.




"No, delikado magmaneho ng gabi lalo na at may sakit ka." Sabi nito. Hindi ko naman siya sinagot at lalampasan sana siya ng humarang siya sa dadaanan ko.



"Pwede ba? Umalis ka diyan, baka hinahana—"



"I already called Tito Austine and he wants me to take care of you." Malumanay nitong wika.




"I don't need your heeel…" nanghina naman ako at bumagsak ako sa kaniya.



"I told you.. You are sick." Sabi nito aalalayan niya sana ako paupo ng tumayo ulit ako ng deretso.



"I want to go home." Sabi ko at nalampasan siya. Nakalabas naman ako ng bahay ng hindi ninilingon ang paligid.




"Hah... haaa... Haaa..." Hindi pa ako nakakalahati ay hingal na hingal na ako at sobrang bigat ng ulo ko.



Huminto naman ako at babagsak ng may sumalo nanaman sa akin. Agad ko namang tinabig yon dahilan para mapaupo ako.




"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sabi ng hindi mo kakayanin. Just stay here for the meantime."


"Hah.. I don't want to stay.. Haa..." Seryoso kong sabi at sinubukang tumayo ngunit hinang-hina na ako.



Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito at bahagyang umupo sa harap ko.


"Give me your key, I'll drive you home." Sabi nito at binuka ang palad.



"No way in hell.. I'll drive myself home."



"Tss.. Tough girl, I see." I heard him mumbled.  Muli naman niya akong hinarap.




"Kung ganon dumito ka muna." Pangungulit nito na ikina-inis ko.



"I said, I don't want to stay there! 'Cause whenever I'm in that house, I'm seeing my grandmother lying on the floor, bloody as hell!  And I can't do anything about it!" Hindi ko naman napigilan ang sarili ko. Napakagat labi naman ako para pigilan ang iyak ko.



Natahimik naman si James at hindi na nakaimik pa. Tumalikod naman siya sa akin.



"But you don't have a choice. If you really want to go home give me your key and I'll drive you home and if you don't want to you're gonna stay here 'til you get better. Choose."





Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon