KATE'S POV
"Nanay, thank you po. Sobrang saya po ng birthday ko." biglang sambit nito habang nakapikit. Andito kami ngayon sa kwarto niya at pinapatulog siya ngayon. Tapos na ang party niya kanina at kitang-kita ko ang saya sa kaniyang mukha.
"Para sayo, Kelsey. Sa susunod mong birthday anong gusto mong gawin?" tanong ko habang sinusuklay ang kaniyang huhok gamit ang daliri. Dumilat naman ito at tinignan ako.
"Gusto ko pong makakita ng umuulan na snow Nanay. Matagal ko na po yun gustong makita noong nasa Orphanage palang po ako. Kaya po nung pumunta po tayo sa snow village tuwang tuwa po ako kaso wala naman po siyang snow." Kwento nito.
Napangiti naman ako, napaka simple ng mga gusto niya. Kahit sa maliit na bagay ay mapapasaya mo siya. Niyakap ko naman siya. "Okay I'll take you there."
"Talaga po Nanay? Di ba po malayo po yun?"
"Kahit malayo pa yan dadalhin kita doon." Naramdaman ko naman ang pagyakap nito sa akin ng mahigpit.
"Thank you, Nanay. The best ka po talaga."
~•••~
Hindi na kami nakapunta ng orphanage dahil sila na mismo ang pumunta sa bahay at buti kamo ay maraming naluto si Christine at sobra talaga ang pasasalamat ko sakaniya habang si Felix ay ang naging MC na nagpalaro sa mga bata and lastly si Hillary na nagpamigay ng prizes. Umuwi pa siya sakanila para kunin ang mga dati niyang laruan na nakadisplay nalang.
Andito ako ngayon sa mall para bumili ng regalo sa pamilya ni Kuya Earl. Gusto ko silang puntahan at kamustahin. Sigurado akong mas nasaktan sila sa nangyari kaysa sa akin.
~•••~
Huminto naman ako sa tapat ng isang bahay at sinilip sa phone ko kung tama ba ang address na binigay sakin ni kuya Max. Nang makumpirma ay bumaba na ako at binitbit ang pinamili ko.
*DingDong*
Sinilip ko naman ang loob at hinintay na may lumabas. "Sino sila?" Napapitlag naman ako ng may biglang sumulpot mismo sa harapan ko sa pagitan ng gate.
Nakita ko naman itong napahinto at binuksan ang gate dahilan para umatras ako. "Ikaw ba iyan, Kate?" Natigilan naman ako, hindi ko inaasahan na siya agad ang makakaharap ko. Napalunok naman ako bago tumango. Nakita ko naman itong napangiti.
"I'm glad to see you again." Sabi nito at niyakap ako. Hindi naman ako makagalaw ni katiting dahil hanggang ngayon sarili ko pa din ang nasisisi ko sa pagkawala ng asawa niya.
"Halika, pumasok tayo."
~•••~
"Here, have some juice." Sabi nito at inilagay niya ang baso sa lamesa. Umupo naman ito sa sofa na tapat ko. Inilagay ko naman ang paper bags sa lamesa.
"Nagdala na den po ako ng regalo para sayo at kina Morris and Taylor." Sawakas nakapagsalita den.
"Hindi ka na sana nagabala pa but thankyou. Sigurado akong matutuwa silang dalawa." nakangiti nitong sabi at kinuha niya ito saka inilagay sa gilid niya.
"Asaan nga po pala sila?" Tanong ko at hinanap ng mata ko ang dalawa. "Nako, inaasahan mo din ba sila? May pasok kasi sila kaya naman wala sila ngayon pero mamayang hapon uuwi din sila. Gusto ba silang antayin?"
BINABASA MO ANG
Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]
Teen FictionDISCLAIMER My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.