18: GREAT DANGER

138 15 2
                                    




JAMES POV



Pumasok naman ako sa isang restaurant at hinanap kung saan nakaupo si Amirah. Nang makita ay umupo ako sa harapan niya.



"You"re late." Kunot noo nitong wika.

"Same with your friend." Nakangiti kong wika ng makitang siya pa lang ang nakaupo at wala pa ang 'Kaibigan niya.' Hindi ko alam kung bakit ba ako pinapunta ng matandang ito dito at ano nanaman ang gusto niyang mangyari.


"Pwede ba? Gumalang ka sa harapan kapag andito na si Miss Kaye." Sabi nito. Sumandal naman ako sofa.

"Tsh. Eh, bakit wala pa siya hanggang ngayon? Nauubos ang oras ko."

Napaaangat naman ang kilay nito at napailing na lang. Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa din dumadating ang 'Miss Kaye' na yan.

"Ano ba dahilan bakit mo ako pinapunta dito, anong oras na at wala pa siya."


Napabuntong bininga naman ang matanda sa pagka-dismaya at tinignan ako ng deretso.

"Gusto niyang ikaw ang magluto para sa dalawang Orphanage.  Sasama siya sa pagluluto at pagpapakain. Isang request galing sa kanya."

Napaangat naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit ako pa? Ang daming professional na chef diyan." Reklamo ko sa kanya.


"Dahil ikaw ang pinili kong sumama sa kanila."



Nagisip naman ako ng mabute bago sumagot. Napangiti naman ako. "Pumapayag ako.. Sa isang kundisyon."


Umupo naman si Amirah ng maayos bago sumagot. "Ano naman iyon?"


"Ibalik mo sa dating napagusapan ang kasalan namin. Ikakasal kami pag nakapagtapos na kami ng pagaaral. Yun lang."


I know. Dapat sinabi ko na lang na itigil ang kasal, but I know Amirah too well, hindi siya papayag. Mas pipiliin niya na lang maikasal kami kesa sa Miss Kaye na yan.

Ilang segundo naman bago makapagsalita si Amirah.

"Okay. Pero kapag nakarinig ako ng reklamo tungkol sayo. Ihanda mo ang sarili mo." Pagbabanta nito sakin na ikinatawa ko naman.


"Bakit, Amirah? Mas mataas at malakas ba itong Miss Kaye na ito kesa sa iyo?" Mapang-asar kong wika sa kanya ngunit tinago niya ang kanyang inis.


"Tama ka, mas mataas at malakas nga siya. Pero kung may balak kang kumampi sa kanya para pabagsakin ako ay hindi mangyayari iyon." Nakangising wika nito, nginisian ko na lang siya pabalik.


"Wala akong balak kumampi sa kanya, sarili ko lang ang magpapabagsak sayo."  Matapang kong wika.


"Excuse me." Napalingon naman kami sa tumawag at nakita namin ang isang babae.


"Kayo po ba si Madame Fallorina?" Tanong nito. Tumayo naman si Amirah at tumango.


"Ako nga, ikaw ang secretary ni Miss Kaye hindi ba?" Tanong nito at ngumiting tumango naman ang secretary.


"Andito po ako upang ipaabot ang mensahe ni Miss Kaye, Paumanhin kung hindi siya makakadalo sa kadahilanang nahimatay ang kanyang anak at kinailangan dalhin sa ospital." Paliwanag nito.

"I see.. It's fine, tell her that I found someone." Nakangiting wika nito. Yumuko naman ang secretary bago tuluyang umalis, tumayo naman ako.




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon