12: CHANGE MY MIND

133 12 1
                                    


A/N:

MAY BUKAS PA! OPO KAYA VOTE NA PO KAYO PWEEEAAASSEE!



JAMES POV




"James."

Bumalik naman ako sa katinuan ng tawagin ako ni Auntie. Lumapit naman ako sa pwesto ko at umupo.

"James, I want you to meet my daughter, Ashlyn."

Muli ko naman nilingon si Ashlyn na hanggang ngayon ay bakas sa kanyang mukha ang pagtataka at gulat.

"Mom, anong meron?" Tanong nito sa kanyang ina.

"Hija, meet my grandson. Your future husband." Singit ni Amirah na ikinalaki ng mata ni Ashlyn at galit na nilingon ang kanyang mga magulang.

"Really? Nagsinungaling kayo sakin?!  We already talked about this, right. I don't want this stupid arrange marriage!" Sigaw nito, tumayo ito at naglakad paalis.

"Ash!" Tawag sa kanya ng ina. Tumayo naman ako.

"I'll go talk to her. Excuse me." Sabi ko at lumabas ng private room. Nakita ko naman na lumabas si Ashlyn sa restaurant kaya naman ay sinundan ko ito.

"Ashlyn!" Tawag ko sa kanya. Lumingon ito sa akin pero mas lalo niya lang binilisan ang lakad niya. Nag tawag siya ng taxi at sumakay pero bago pa umandar ang taxi ay binuksan ko ang pintuan.

"Ano ba!?" Sigaw nito at sinubukang isara ang pinto pero dahil mas malakas ako ay mas nabukas ko ito at hinila siya palabas saka ko sinara ang pintuan ng taxi.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw pa din nito at binawi ang kanyang braso.

"Huminahon ka nga." Mahinahon kong sabi sakanya.

"Bakit mo ba ako sinundan!? Pakikiusapan mo ba akong magpakasal sayo? Asa ka dahil ayoko! Tabe!" Sigaw nito at nilampasan ako pero bago pa siya makalayo ay nahawakan ko ang braso nito at binalik ko siya sa harapan ko.

"Hindi kita pipilitin magpakasal sakin, dahil kahit na ako ay napilitan lang din."

Hindi naman ito nakapagsalita ngunit masama pa din ang mga titig.

"Sa ibang lugar tayo mag-usap." Sabi ko at hinila siya paalis sa lugar na iyon.


~•••~

"Sa dinami-dami ng lugar mas pinili mo talaga dito sa playground?" Reklamo nito, hindi ko naman siya pinansin at umupo na lang sa swing.

"Tahimik dito at walang katao-tao.." Sabi ko at nilingon siya. Umirap na lang ito at umupo sa kabilang swing.

"Ano bang gusto mong pagusapan? Kung pipili—"

"Sinabi ko ng hindi kita pipilitin. Dahil kahit ako ay ayaw nito."

"Eh, bakit ka napilit ng matandang yon!?"

Napakurap na lang ako sa tinawag niya sa lola ko. Tila na realize niya ang sinabi niya kaya napatakip ito ng bibig.

"Sorry.. Wala talagang preno ang bibig ko."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Ayos lang, matanda naman talaga siya.."

"Kung ganon, bakit ka niya napilit magpakasal?"

Kinuwento ko naman sa kanya lahat kung bakit at  kung ano ang relasyon naming dalawa.

"Ang sama naman pala ng ugali niya.." Sabi nito na parang bata.

"Eh, pano yan kapag hindi ka maikakasal?"

Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon