06: WILD

172 14 2
                                    

AUTHOR'S POV

—BAR


"Wooohhhh!! Lets start the partyyyy!" Masayang sambit ni Cyruss at tumakbo papasok sa loob.

"Taena naman kasi kakainom lang kahapon, inom nanaman. Baka naman bukas uminom uli tayo?" Reklamo ni Jeric. Inakbayan naman siya ni Adam. "Pre, pwede naman na magpaiwan ka na lang sa floating cottage hindi ka naman namin pipilitin eh.."

"Hindi ko naman kayang tanggihan, puro babae dito hehe!"

Lumapit naman sa kanila si Samuel at binatukan si Jeric.


"Aray ko ha!"


"Nagiinarte pa kasi. Daming alam pre." Sabi nito tsaka pumasok na sa loob.


Habang sina Christine at Karl naman ay pinagtitinginan ng mga tao dahil sa naka posas sa kanila at dahil sa suot nila.



"Alam niyo, huwag naman kayong bumusangot diyan! Party party na oh!" Masayang sambit ni Felix at hinila si Christine kasama si Karl sa bar.



"Kasalanan mo itong lahat." Bulong ni Christine kay Karl habang naglalakad.

"What did I do now?" Naiinis na sabi ni Karl na ikina-inis lalo ni Christine. "Bakit ba naman kasi sumama ka pa dito!? Wala pa nga tayo ligo o palit palit ng damit! Tsaka alam mo naman na ayoko sa maingay na lugar!"

Natawa naman si Karl. "What so funny!?" Inis na tanong ni Christine.

"Ayaw mo sa maingay na lugar pero sa sarili mong ingay gusto mo?" Natatawa nitong sabi, napairap naman si Christine..



"Pag talaga naubos ang pasensya ko mapapadali ang pagpili ko sa kanilang dalawa." Bulong ni Christine ngunit narinig ito ni Karl dahil slow song ang naka play.


Tila nainis at nawalan ng gana naman ito kaya naman ay dumeretso ito sa counter "H-Hoy! Magdahan-dahan ka nga!" Sigaw ni Christine ngunit hindi ito pinakinggan ni Karl, nang makarati sa counter ay umorder ito ng alak sa bartender.



Nilagok naman niya ang nasa shot glass at muling naglagay at ininom.



Napakunot naman ang noo ni Christine sa pagsunod-sunod nitong pag inom.


'Putik! Mukha may bubuhatin pa ata akong lasenggo!'


Napatakip naman ng bibig si Christine.

'OmgBaka naman hindi niya makontrol ang sarili niya! Hindi pa naman ako makakatakas nito lalo na may posas saaming nakakabit!'




"H-Hoy! Tama na nga yan! Hindi kita kayang buhatin okay!" Sabi nito pero hindi tumigil si Karl sa paginom. Nangalahati ang bote nito at patuloy pa din ito sa pag inom.




"Kar—"



"Shut up.. I don't wanna hear your annoying voice, awright?"


Duon naman napansin ni Christine na nasa katinuan pa ito dahil deretso pa itong magsalita. Nakita naman ni Christine ang paglagok nito sa shot glass, nang maubos ay pabagsak niyang nilapag ang glass sa table.




"You know what Christine.. I don't get you." Sabi nito at tinitigan ito mata sa mata.


Napakunot naman ang noo ni Christine dahil sa hindi niya alam ang pinagsasabi ni Karl. "I sense that you love me— no,  I know you love me.."




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon