JAMES POV
Isang taon na muli ang nakalipas.
Nakapagtapos ako ng senior at ngayon first year collage na. Kinuha ko ang kursong kulinarya dahil dito ako magaling at lately ito ang madalas kong gawin sa bahay nila Tita Colin.
Oo kina Tita Colin muna ako tumira, pero hindi ko binenta ang unit ko. Simula nang lumipat ako dito ay ako na ang laging nagluluto at kapag may ginagawa o pagod ako ay ang katulong na lang nila ang gagawa nito.
"Mali ka pa din, Aiyana." Sabi ko sakanya. Nagpapatulong kasi ito sa kanyang subject na Math.
"Ah! Gets ko na!" Masaya nitong sigaw saka muli itong nagsulat habang nakaupo sa carpet.. Tumayo naman ako sa pagkakaupo sa sofa para kumuha ng makaka-kain namin.
Gaya ng sabi sa akin ni Uncle Max ay nag busy-busyhan ako. Itinuon ko ang sarili ko sa kapatid ko at sa pagaaral ko at tama si Uncle Max nakakalimot ako kahit pa-paano sa mga nangyari.
Kinuha ko naman ang pagkain saka ako bumalik sa pwesto. Nang matapos siyang magsulat ay ibinigay niya sakin iyon. Chineck ko naman ito at nilingon ko na lang si Aiyana saka ito nginitian.
"Tama ba kuya?"
Ginulo ko naman ang buhok niya. "Yes, ang bilis mong matuto."
She giggles "Syempre! Mana po ata sa kuya ang katalinuhan at kagandahan!" Nakangiti pa nitong sabi. Muli ko ulit ginulo ang buhok niya. Nginitian ko naman ito. Bumalik naman ito sa kanyang pagsasagot.
"Oo nga pala, kuya. Napapansin ko po na lagi po kayong naka Jacket. May sakit ka po ba?" Tanong nito at nilingon ako.
Umiling naman ako. "Kumportable kasi ako sa ganitong damit."
Napa-aah naman ito at muling bumalik sa ginagawa.
"Aiyana.."
"Yes kuya?" Sagot nito ng hindi ako nililingon.
"Nalulungkot ka pa din ba na hindi mo nakilala si mommy at hindi nakasama ng matagal si Daddy?"
I know it is sounds stupid.. Gusto ko lang malaman kahit na alam ko na ang sagot.
Napalingon naman ito sakin, tumayo ito para makaupo sa tabi ko sa sofa.
"Hmm... Malungkot pa din. Pero anong magagawa ko kuya? Hindi ko naman po sila kayang buhayin eh.. Saka andito ka naman po kaya po masaya ako!" Nakangiti nitong sambit at niyakap ako. Niyakap ko naman ito pabalik.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil iniwan ko na lang siya basta kay Adallyn ng ganon. Wala akong naging sapat na oras sa sakanya noon kaya ngayon ay bumabawi ako. Duon ko din napansin na ang dami kong nasayang na oras na hindi siya nakasama hindi ko na namamalayan na nagiging matured na itong magisip.
"Eh, ikaw po kuya?" Tanong nito at humiwalay sa pagkakayakap.
"Oo naman syempre miss ko din sila."
"Hindiiiii!" Sabi nito na ikinunot naman ng noo ko.
"Anong hindi?"
"Si Ate Andrea po.. Miss niyo na po ba siya?"
Natahimik naman ako at napalunok. Sasagot na sana ako ng may nag ring sa phone niya. Parehas kaming napatingin sa phone niya nakalapag sa lamesa. Lumingon naman ito sa akin at ako naman ay sinamaan siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]
Roman pour AdolescentsDISCLAIMER My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner.