14: UNEXPECTED

143 13 5
                                    

A/N: LAST UD MUNA AKO!  ;)) BAWING-BAWI NA AKO SAINYO EH.




AUTHOR'S POV



"Bakit ka ba kasi nagsama pa ng asungot!?" Inis na wika ni James kay Christine ng makitang kasama si Karl na nakangiti at naka-akbay.


"Hindi naman ako mang-gugulo ayoko lang mapag-isa sa bahay." Paliwanag ni Karl.



Mag partner kasi si Christine at James sa isang magaganap na Cooking competition sa bawat school. Kaya kailangan nilang maghanda para dito.


"Sorry, James. Ang kulit kasi eh."


"Forget it. Heto lang ang tandaan niyo. Andito tayo para mamili ng mga gamit at ingredients Hindi para mag date naiintindihan niyo ba?"



Sumalute naman si Karl. "Roger that!" Napa-palm face naman si Christine sa pinag-gagawa ng kanyang asawa.

"And give yourselves a fvcking space." Dagdag pa nito at dumaan ito sa gitna nilang dalawa.


"Selos lang yan, walang kapartner eh." Sabi ni Karl at tsaka inakbayan si Christine, siniko naman ni Christine ito.

"Aah!"


"Space nga daw eh.." Madiin na sabi ni Christine at sumunod na ng pasok sa mall.



Makalipas ang ilang oras ay nakatapos din silang mamili at napagpasiyahan nilang kumain sa isang restaurant.



"So, anong plano niyo? Anong lulutuin niyo?" Tanong ni Karl at nilingon si James na busy sa pag scroll sa phone.



"May ka-text siguro?" Bulong ni Christine sa kanya, bigla namang napatingin si Christine sa bagong pasok sa restaurant.


"Oh? Hindi ba si Carter yon?" Sabi ni Christine na ikinalingon din ni Karl. Tatayo na sana si Christine ng hilain siya ni Karl paupo.


"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong ni Karl dito. Inis naman nilingon ni Christine dahil nasaktan ito.

"Kakamustahin ko lang naman, naging magkaibigan din kami niyan 'no." Sabi nito at tatayo muli ng hilain uli ito pabalik sa pagkakaupo.


"Kaibigan? Hindi ko alam yun ah! At tsaka nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sayo?" Inis na sabi ni Karl.


"Oo naman, nagsorry na siya sa akin non kaya kami naging magkaibigan. Gusto mo sama ka na lang sakin?" Sabi ni Christine. Binitawan naman ni Karl si Christine.


"Ikaw na, baka masapak ko lang ang pagmumukha niya. Huwag kang magtatagal ha!" Utos nito, dinilaan naman ni Christine si Karl bago tuluyang lumapit kay Carter.


"Tss.. Kainis, nagpakita pa ang karterong iyon." Inis na wika nito. Taka namang nilingon ni James kung san ang punta ni Christine. Duon naman niya nakita si Carter na boyfriend ni Ashlyn.


Nalaman niya ito nung pumunta si James sa Condominium kung saan siya nakatira noon. Sa isang elevator may kausap ito sa phone at duon niya narinig ang pangalan ni Ashlyn.


Nalaman niya naman ang pangalan nito ng may tumawag sa kanyang lalaki ng makababa ito ng elevator.


"Tsk! Tignan mo sabing huwag magtatagal." Singhal ni Karl. Napatingin naman si James kay karl na halata ang inis sa mukha.


Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon