28: DAMN

134 12 0
                                    

A/N: SORRY NA LATE!!!!



JAMES POV



Dahan-dahan ko naman binuksan ang pintuan ng kwarto ni Kate at pumasok ng makitang tulog ito.



Umupo ako sa sahig at tinitigan ang kaniyang mukha. I really missed this.. I've always been watching her sleep before. Gabi-gabi lagi ko siyang hinahalikan sa noo, ilong at labi.




Noong gabi na nagpakilala sa akin si Tito Austine.  Hindi ko alam ang mararandaman ko halo-halo ang nararamdaman ko noong araw na iyon. Kahit na alam ko ng si Kate at Andrea ay iisa lang.




Nakuwento niya sa akin lahat.. Lahat ng mga nangyari, noong mangyari ang pagkamatay ni Andrea.




— FLASHBACK —





"Kung ganon ay kayo po ang nagligtas sa kaniya?" Tanong ko habang hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Nakaupo naman kami ngayon sa isang bench.




"Ganon na nga, I've been following her for 3 years.. Nagkalakas lang ako ng loob na lapitan siya ay noong araw ng School Festival niyo." Nakangiting sabi nito habang nakatingala.





"Pero hindi ko nagawang magpakilala dahil alam kong iiyak siya sa harap ko at magtatanong ng kung ano-ano.."




"Normal lang naman iyon dahil sobra siyang nasaktan." Sabi ko. Bahagya naman itong natawa.




"Alam ko, pero mahirap ng magtago kapag magsasama ulit kami."



"Kung ganon nasundan niyo siya noong sumugod siya sa warehouse?"



"Ganon na nga, hindi naman ako nahirapan makapasok dahil alam ko ang mga sikretong taguan sa lugar na iyon."




Oo nga pala.. Siya nga pala ang unang naging Leader at bumuo ng Dark Crest Gang at ang warehouse na iyon ay siya ding nakahanap.




"Nakita ko lahat ang nangyari mga naging sagutan nila at ang krimen na ginawa ni Eugene sa kaibigan at anak ko. Gustong-gusto ko siyang sugurin pero alam kong kapag ginawa ko yon masasayang ang sakripisyo ni Earl at pati ako ay baka sumunod na sakanya."




Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon